top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga usaping hindi pang-barangay

BULGAR
Mar 26, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 26, 2022



Dear Chief Acosta,

Ako po ay may nakabanggaan na tricycle sa kahabaan ng Quezon Avenue. Pagbaba ko ng sasakyan ay hiningi ko ang lisensya ng tricycle driver na nakabangga sa akin upang makuha ko ang impormasyon tulad ng kanyang pangalan at address. Ayaw niyang ibigay ito dahil hindi umano ako enforcer at doon na lang kami sa Barangay magharap. Kalaunan ay may dumating na staff ng Barangay at nagsabi na sa Barangay na lamang diumano kami mag-usap upang maayos na ito. Sabi ko ay magsasampa na lamang ako ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property at kailangan ko lamang ang pangalan at address ng driver. Sila ay nagpupumilit na dalhin sa Barangay ang usapin. Hindi naman po ako taga roon na barangay. Tama po ba na idaan pa rin sa Barangay ang usaping ito?

Arvin


Dear Arvin,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 409 ng Republic Act (R.A.) No. 7160 (Local Government Code of 1991). Ayon sa nasabing probisyon: “Section 409. Venue. – (a) Disputes between persons actually residing in the same barangay shall be brought for amicable settlement before the Lupon of said barangay.


(b) Those involving actual residents of different barangays within the same city or municipality shall be brought in the barangay where the respondent or any of the respondents actually resides, at the election of the complainant. xxx”


Ayon sa nasabing probisyon, ang isang isyu ay maaaring hindi maging saklaw ng Barangay Conciliation kung ang mga partido ay residente ng barangay na napapaloob sa magkaibang siyudad o munisipalidad. Kung ang mga partido naman ay nasasaklaw ng magkaibang barangay ngunit napapaloob sa magkaparehas na siyudad o munisipalidad, ito ay maaaring dalhin sa barangay na saan ang inirereklamo o sino man sa mga inirereklamo ay naninirahan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page