MGA SUBSCRIBERS NI ALEX SA YOUTUBE, BUMIBITAW NA
- BULGAR
- Jan 20, 2023
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 20, 2023

Nakapag-sorry na’t lahat si Alex Gonzaga sa waiter na pinahiran niya ng icing ng cake with matching “resibo” (personal letter) and yet, sunud-sunod pa ring naglalabasan ang mga kuwento ng ‘di magagandang karanasan ng mga diumano'y 'nabiktima' ng kapatid ni Toni Gonzaga.
Ang latest ay ang production designer sa isang kilalang department store sa bansa.
Idinetalye sa Twitter ng may account name na KL at may Instagram account na @thewhothewhat, na ang tunay na pangalan ay Kenneth Labrador Nemenzo Carpio, ang naging karanasan niya kay Alex.
Ipinost niya ang picture nina Alex at Toni na nasa cover ng magazine para sa isang sikat na department store.
Caption ng PD, “PSA ALEX GONZAGA
"So I've worked with the Gonzaga sisters twice already as a Production Designer.
Rumors about Alex Gonzaga is real. Bastos siya.”
Nakahanda na raw ang lahat sa set para sa photo shoot nu’ng dumating ang magkapatid sa set.
Kuwento pa ng PD, “Sinitsitan ako at pinaabot sa 'kin 'yung bag na parang alalay ako. I have an assistant but I never ask for help like that. Inisip ko na lang na masyado ata akong haggard kaya sinitsitan ako. Also, ano bang bag 'yon?
“Tallano gold ba 'yung bag?
“Hindi ko siya kinibo twice, thrice? Boogsh sinabi niya na ng malakas 'Hoy, kuya, iabot mo kamo.
Naririnig mo ba ako?' Almost everybody heard it including the big client. Afraidy Aguilar (Freddie Aguilar).”
May nagsabi raw kay Alex na siya ang PD.
“Inirapan niya ako. She gave a look to two of the sets we made for her as if nu'ng na-realize niya it was my design, eh, biglang na-chaka-han siya. Lol, whatever, gusto mo, tapyasan ko 'yang baba mo.
“Sinaway siya ng ate niya pabulong. And that was my intro to her."
Hindi pa ru'n nagtapos ang kuwento niya dahil may part two pa pala ang insidente.
“We worked the second time. Binati niya lahat except me and gave me THE LOOK. (eyes icon) OK, so now, gusto mo, dukutin ko eyes mo. Lel.
“And that's Alex Gonzaga. 'Kaloka, dinemo pa namin sa 'yo pa'no 'yung tamang pose. Chz sue me.
“Whenever I see this work, masaya ako dahil it was successful, pero markado na sa 'kin si Alex,” lahad ng PD.
Hindi raw siya nagpo-post para magkaroon ng clout.
“This could actually damage me more than it could help my career. Pero when I saw the video (pagpahid ng icing ng cake sa waiter), I couldn't help but to share this and let everyone know na hindi dahil komedyante ka, eh, hindi na uso ang boundaries.
“Waiter siya. Hindi ka n'ya kaibigan. Hindi siya nandu'n para i-celebrate ang birthday.
Nagtrabaho siya. Hinawakan niya ang cake mo nang matagal. Tapos, ipapahiya mo? Others might defend you by saying na ganyan ka talaga kaya ok lang. Pero baka nga ganyan ka talaga. Baka basura ka talaga.
“Anyway, Alex. You most likely don't remember my name but you do know this famous cover. So Happy Birthday. Enjoy things while it last. Charot,” tweet pa ng PD.
May nag-reply sa tweet niya na kasamahan din niya sa same industry at nag-share rin ito ng kanyang not so good experience with Alex.
Aniya, 9 AM ang call time ni Alex sa shoot for a travel company, pero pinaghintay daw sila ni Alex nang limang oras sa set without even apologizing.
Nagmamadali pa raw magpa-pack-up si Alex sa direktor para lumipat na sa susunod na location.
Lumitaw din sa Twitter ang kababata nu’ng waiter na si Allan Crisostomo, ang ex-boyfriend ng PD. Sinabi raw ni Allan sa ex-BF ng PD na ‘di kilala ni Alex ang waiter, taliwas sa press release ng PR nito na magkaibigan na sila dahil suki ang waiter sa mga events ng mga Gonzaga.
At nadagdagan pa ng kuwento ng isang netizen na sinabing nagiging guest din daw nila si Alex at nakita niya kung gaano ito kamaldita sa kanyang driver. Paisa-isa raw kasi ang utos.
May mga netizens naman ang naglabas ng saloobin at panghihinayang na nag-subscribe sila sa YouTube channel ni Alex. At ang ilan ay nagsabing mag-a-unsubscribe na sila sa YT ni Alex.
Sa ngayon ay may 13.1M subscribers si Alex sa YouTube.





Dapat na matoto si Alex bastos magsalita akala niya makaya niya magsalita at magbiro sa tao .Hindi siya dapat magbasa sa bible nila na may sungay ang mukha.