top of page

After kumalat na ‘di na tuloy ang kasal kay Vincent… BEA, MAG-ISANG LUMIPAD PAALIS NG ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 10, 2026



Bea Alonzo - Instagram

Photo: Bea Alonzo - Instagram



May kumakalat na picture ni Bea Alonzo habang hinihintay ang kanyang maleta sa isang airport.


Lumabas ang picture ni Bea sa kasagsagan ng isyu ng pagkansela ng kanyang kasal kay Vincent Co.


Ang dami agad interpretasyon na lumabas sa picture ni Bea sa airport. Puwedeng isipin na biglang lumayas ng Pilipinas ang aktres para umiwas sa isyu.


Dahil hindi raw tuloy ang kasal niya kay Vincent, kaya nag-abroad ang aktres para roon mag-heal sa kanyang sugatang puso.


Sa comment section, pinag-usapan ang authenticity ng picture ni Bea sa airport.

Sey ng mga netizens…


“Kailan po taken ‘tong pics?”

“Yesterday.”

“Is this in NAIA (Ninoy Aquino International Airport?)”

“London Terminal 3 according sa nag-post.”

“Going Spain na?”


‘Di natin sure kung true na umalis ng bansa kasi meron namang nagsabi na matagal nang kumalat ang picture ni Bea Alonzo na nasa airport.

Ganern?





Wala raw pinipili, kahit umagang-umaga o madaling-araw… DANI, IBINULGAR ANG PANG-AABUSO NI DENNIS SA MGA ANAK



Dani Barretto at Dennis Padilla - Instagram


BINANTAAN ni Dennis Padilla si Dani Barretto. Tumalak kasi ang panganay ni Marjorie Barretto sa isang interview ukol sa naging karanasan ng kanyang ina sa piling ni Dennis.


Si Dani ay anak ni Marjorie kay Kier Legaspi.


Pahayag ni Dani, “I’m just glad my mom really saw that she did not deserve that sh*t and left. Childhood namin ‘yun, eh. ‘Yun ‘yung childhood namin ng mga kapatid ko. Nasanay kami ru’n. We saw. We heard the yelling. We heard the screaming. Everything my mom went through, tumatak sa amin ‘yun, ‘di ba?”


Mga bata pa raw sila noon at nanatili sa murang kaisipan nila ang mga sigawan sa bahay.


Hindi nakatiis si Dennis na hindi mag-react sa mga sinabi ni Dani.


“Dani... Abangan mo sagot ko, point by point... Mula nu’ng nasa tiyan ka pa ng nanay mo. I felt abused... I felt liberated nu’ng nakawala ako sa relationship na sinasabi mo, masyadong mayabang. Wala kang alam... Half lang ang alam mo,” banta ni Dennis.

Pero hindi pa man nakakasagot si Dennis ay may litanya na sa kanya si Dani.


Sabi ni Dani kay Dennis, “@dennisastig, I think you’re forgetting we all lived in the same house. That we woke up to your screams almost every morning. Kung hindi si Mom ang sinisigawan mo, one of the help. This is what you always do, use social media to ‘defend’ yourself and spread more lies and gaslight your children and now me.”


Lagi raw pinapalabas ni Dennis na siya ang kawawa pagdating sa kanyang mga anak.


“Weren’t you the abusive one? Kahit nasaan tayo, kahit sa mall, sa grocery, wala kang pinipiling lugar para may sigawan. Default mo ‘yan nu’n hanggang ngayon. ‘Di ba, tatawag ka sa mga anak mo, mostly madaling-araw, kasi lasing ka para murahin at sigawan lang sila? And now, know-it-all pa ako? Ikaw na naman ang kawawa? Si Mom na naman ang sisiraan mo. Enough is enough,” diin pa ni Dani.


Pinutol daw mismo ni Dennis ang tulay na nagdurugtong sa kanila ng mga anak niya kay Marjorie.


“All your kids know who you are. That’s why most of them have no communication with you. Because you burned bridges with each of them. Pero sa kuwento mo, sila ang mali at ikaw pa rin ang kawawa. Make it make sense,” talak pa ni Dani Barretto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page