top of page

Wala raw galit kay Xian Gaza… KIM, ‘DI ITINANGGI ANG RELASYON SA PAMILYADONG CONG.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 5 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 10, 2026



Kim Domingo - Instagram

Photo: Kim Domingo - Instagram



Finally ay binasag na ni Kim Domingo ang kanyang pananahimik at naglabas ng kanyang panig sa nag-viral na diumano'y video nila ng isang pamilyadong kongresista mula sa Davao Occidental. 


Pinagpiyestahan ng mga netizens sa Facebook ang naturang video na unang lumabas bilang blind item sa Facebook account ng Pambansang Marites na si Xian Gaza dahil sa malisyosong pag-uugnay kay Kim sa pamilyadong congressman na diumano'y nagbigay sa kanya ng house and lot, at dahilan kaya umano pumaldo financially ang Kapuso sexy actress.

Sa kanyang mahabang FB post kahapon kung saan kalakip ang photo nila ng kanyang Thai BF for 3 yrs. kasama ang dalawa pang tao na hindi niya tinukoy kung sino, ganito ang panimula ng aktres (published as is)...


“Madaming nagtatanong sakin kung totoo ba or hindi. Isa lang po ang isasagot ko. Kayo na ang bahala. Dahil kung itatanggi ko, meron at meron pa ding masasabi. Kung sasabihin ko naman na totoo, meron at meron pa ding masasabi. Madami na ang tao ang humatol sakin agad.”


Sinagot din niya ang tanong ng marami kung bakit bigla niyang inilabas ang kanyang boyfriend kung kelan kumalat ang picture niya kasama ang naturang congressman.

Saad niya, “Sa loob po ng tatlong taon, nilayo ko sa mata ng publiko ang pribado kong buhay. Siguro naging lesson na din sakin ang past relationship ko na isinapubliko ko noon ngunit hindi naging maganda ang kinalabasan. Nasira ang kanya kanya naming buhay. Iskandalo dito, iskandalo doon. At yun ang iniiwasan ko ng maulit. 


“For the past years, thailand ang naging pangalawa kong tahanan. Kahit may trabaho ako, lumilipad ako doon para makahinga. Doon ko nahanap ang peace and safety na hindi ko mahanap hanap dito sa pilipinas. Doon simpleng tao lamang ako. Hindi po ako si Kim Domingo doon. 


“Kung hindi man ako makapunta ng thailand, partner ko ang pumupunta dito sa pilipinas.

Sa mga past events ko, hindi alam ng madami na nasa tabi tabi lang sya. Nagmamasid.

Nanonood. Tahimik na sumusuporta sa akin. Walang nakaalam kundi ang mga taong malalapit sa akin. Kung minsan kahit sa taping, nasa loob lamang sya ng sasakyan, ilang oras akong hinihintay hanggang sa matapos ang trabaho ko. Ganun ka- supportive ang partner ko pero tahimik lang kami.


Ganoon namin iningatan ang relasyon namin dalawa. Pero dahil may lumabas na balita tungkol sakin, napilitan ako na ilabas sya bilang respeto na din sakanya at sa pamilya nya at tingin ko na dapat malaman ninyong lahat na ang current partner ko po ay isang Thai national. We’ve been together for 3 years,” patuloy niya.


May mensahe rin siya kay Xian Gaza na unang nagpaputok ng issue.


“Doon naman po sa taong nagpost about the the issue. Actually, last september nakita namin sya ng boyfriend ko sa isang Music Festival sa Thailand. Nagkatinginan lang kami. Nahiya lang ako batiin sya pero alam kong sya yun. Kasama namin ang mga thai friends ng partner ko. At sya din ay mga kasama. Lahat kami ay nag eenjoy nung gabi na iyon. 


“To Mr. Xian, wala akong galit sayo. Ikaw lang ang nakakaalam ng rason kung bakit mo yan ginagawa. Or kung bakit mo iyan kailangan gawin. Hindi ko sasabihin na sinungaling ka, hindi ko din sasabihin na nagsasabi ka ng totoo. Hindi ko din sasabihin na masamang tao ka. Bahala na ang mga tao ang humusga sa atin. Hindi din ako maghahangad sayo ng masama. Bagkus,  hinihiling ko na magkaroon ka ng peaceful life, more blessings at more happiness pa sa buhay mo. After ng lahat ng ito, respeto pa din po ang ibabalik ko sayo.”


Nagpaabot din siya ng mensahe sa mga netizens na nanghusga sa kanya.


“At sa mga taong nanghusga, bumatikos sakin, at mga taong hinila ako pababa na ang karamihan ay mga kapwa ko babae pa. Maraming salamat pa din sa inyo. You are all forgiven. At gusto ko malaman nyo, kahit anong ipukol nyo sakin, nakayakap ang nasa itaas sakin. Pinagdasal ko na din po kayong lahat na sana mahanap nyo din ang peace at tunay na kasiyahan sa mga buhay nyo. Dahil sa paguugali na pinakita nyo, alam ko na hindi kayo totoong masaya at may kulang sa buhay nyo. 


“Iba ang taong walang kaaway, kagalit or sama ng loob sa kahit sino man. Kahit gaano pa kasama at kasakit ang ibalik sayo ng mundo. Kapag may grateful and forgiving heart ka, napakasaya at napakapayapa ng isip at puso mo. Yun ang hinding hindi mabibili ng pera.”


Sa kabila ng ibinabatong panghuhusga sa kanya ngayon, aniya, “I’m truly grateful sa Panginoon kung nasaan man ako ngayon. Minsan mahirap ang dadaanan ko pero alam ko after non, may naghihintay sakin na napakagandang pangyayari. Everything happens for a reason. Kasama ko ang pamilya ko, mga tunay kong kaibigan at ang taong pinakamamahal ko. Masayang masaya kami. We are truly blessed. Wala man kaming 400-500 million, pero masasabi ko na daig pa namin ang mga bilyonaryo sa peace of mind at grateful heart na meron kami.


“Thank you sa mga tunay na nagmamahal, sumusuporta at sa mga taong patuloy na nagtitiwala sakin. God bless po sa ating lahat.”

Ayun na! Case closed na ba, guys?!





Tanggap naman daw ng pamilya niya…

RON, MAS DUMAMI ANG PROJECTS DAHIL SA SEX VIDEO SCANDAL



NAKAUSAP namin kahapon sa ginanap na White Party Manila: Reignite mediacon ang Mentorque producer na si Sir Bryan Dy. 


Bukod sa pagpo-produce ng mga pelikula, ang Mentorque rin ang producer ng White Party Manila na isang napakalaking event para sa LGBTQIA+ community na naglalayong magbigay ng awareness sa mga kafatid kaugnay ng tumataas na kaso ng HIV at AIDS among their sector.


Gaganapin ito sa June 27 sa World Trade Center na pangungunahan ng mga celebrity ambassadors tulad nina Unkabogable Star Vice Ganda, Kaladkaren, Klea Pineda at Janella Salvador, mag-asawang Angela Mead King and Joey Mead King, at marami pang iba.

Si Sir Bryan din ang manager ng controversial actor ngayong si Ron Angeles na isa sa mga biktima ng babaeng scammer na nagkalat ng sex video nila.

Kaya naman, nakumusta namin kay Sir Bryan si Ron at aniya, sa ngayon ay back to normal naman na ang buhay nito, although siyempre, may lesson learned na ang aktor sa nangyari.


Tuloy daw ang demanda nila sa babaeng walang permisong kumuha at nagkalat ng sex video nito at ni Ron.


Tinanong namin si Sir Bryan kung mas nakasama ba o mas nakatulong kay Ron ang pagkalat ng sex video at natatawang pag-amin niya, bagama't iskandalo raw talaga ito, mas dumami raw ang projects ng kanyang alaga at mas pinag-usapan nga naman ito. Marami siyempre ang na-curious dahil sa dami ng Marites sa Pilipinas.


Tinanong naman namin si Ron sa naging reaksiyon ng parents niya at aniya, hindi naman nagalit ang mga ito. Kinausap lang daw siya ng ama at pinayuhang mag-ingat na next time.


Ang pabiro namang payo ng manager ni Ron na si Sir Bryan, “Kung gagawin mo ‘yan next time, sa own place mo na lang.”

Nyahahaha! Tamah! Para safe nga naman! 

Paaaak!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page