Mga sen. at cong. na ‘di pumapalakpak sa SONA ni PBBM, malamang walang pork barrel
- BULGAR

- Jul 29, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 29, 2025

MGA SEN. AT CONG. NA HINDI PUMALAKPAK SA SONA NI PBBM, MALAMANG WALANG PORK BARREL -- Kahapon ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), at siyempre sa kanyang mga talumpati ay talagang papalakpakan siya with standing ovation ng mga kaalyado niyang senador at kongresista.
Obligado talaga silang (senators and congressmen) pumalakpak kasi ang hindi papalakpak na makikita sa CCTV, walang pork barrel, boom!
XXX
13 MAHISTRADO NAGSABING ‘STOP’ IMPEACHMENT KAYA ‘SUNTOK SA BUWAN’ NA PABORAN NG SC ANG HIRIT NI ROMUALDEZ NA ITULOY ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA – “Suntok sa buwan” na paboran ng Supreme Court (SC) ang ihihirit ni Speaker Martin Romualdez na motion for reconsideration (MR) para baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema na ‘stop’ na ang impeachment proceedings laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio dahil sa isyung 1-year ban rule at kawalan ng due process na parehong unconstitutional na ginawa ng Kamara nang sampahan nila ng mga kasong impeachment ang bise presidente.
Kung hati ang boto ng mga mahistrado ng SC, may tsansa pang mabago o baligtarin ng SC ang kanilang desisyon, pero majority o 13 SC justices ang bumoto na unconstitutional ang ginawang pagsasampa ng Kamara ng mga kasong impeachment kay VP Sara, kaya “suntok sa buwan” talaga na baguhin pa ng Korte Suprema ang kanilang desisyong stop na ngayong taon ang impeachment proceedings sa vice president, period!
XXX
HAPPY NA NAMAN ANG MGA PORK BARREL SENATOR SI SEN. ESCUDERO ULI ANG SENATE PRESIDENT SA 20TH CONGRESS -- Si Sen. Chiz Escudero na naman ang tinanghal na Senate President ng 20th Congress matapos na makakuha siya ng 19 na boto mula sa mga kapwa niya senador.
At dahil Senate President uli siya, tiyak happy na naman ang mga pork barrel senator kasi magkakaroon na naman sila ng bilyun-bilyong pisong mga pork barrel projects, tsk!
XXX
NASAPAWAN NG PAGIGING MISSING BOKSINGERO NI MAYOR BASTE ANG MISSING SABUNGEROS NA KINASANGKUTAN NI ATONG ANG -- Patuloy ang pang-aalaska ng netizens kay Davao City acting Mayor Baste Duterte at binansagan na siyang "missing boksingero" matapos na hindi siputin ang nakatakdang laban nila sa boksing ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III kamakalawa sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, kung saan ang alkalde naman ang unang naghamon ng suntukan, pero sa huli hindi nga niya sinipot.
Dahil diyan, nasapawan na ng pagiging "missing boksingero" ni Mayor Baste ang "missing sabungeros" na kinasangkutan naman ni tycoon Atong Ang, boom!







Comments