top of page

Mga pulitiko at gov’t. officials na nagpayaman sa poder at may hidden wealth, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SALN NI VP SARA AT PHARMALLY SCAM SA PANAHON NG DUTERTE ADMIN, BUBUSISIIN, TILA TAMA ANG HINALA NI SEN. IMEE NA ANG PAGTALAGA KAY REMULLA SA OMBUDSMAN PARA TARGETIN ANG MAG-AMANG DUTERTE -- Matapos sabihin ni newly appointed Ombudsman Boying Remulla na bubusisiin niya ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Vice President Sara Duterte-Carpio, ay sinundan niya ng ito statement na bubusisiin din niya ang mga dokumento sa naganap na Pharmally scam sa panahon ng Duterte administration.


Dahil diyan ay lumalabas na totoo ang hinala ni Sen. Imee Marcos na kaya si Remulla ang itinalaga ng kanyang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na maging Ombudsman ay para “targetin” ang mag-amang former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) at VP Sara, period!


XXX


MGA PULITIKO AT GOV'T. OFFICIALS NA NAGPAYAMAN SA PODER AT MAY HIDDEN WEALTH KABADO NA, ILALANTAD NA NI REMULLA ANG MGA SALN -- Depensa naman ni Ombudsman Remulla ay hindi lang naman daw mga Duterte, kundi ang iba pang opisyal ng pamahalaan na may ginagawang katiwalian, at ang promise niya ay wala siyang sisinuhin.


Bilang patunay na wala raw siyang sasantuhin, ayon kay Ombudsman Remulla, next week ay maglalabas siya ng memorandum na nagli-lift o nag-aalis ng restriction sa SALN, na ibig sabihin ay malaya nang makakakuha ang mamamayan ng kopya ng SALN ng mga taong gobyerno.


Hindi man aminin, siguradong kakaba-kaba na ang mga tiwaling politicians at gov't. officials dahil madali nang malalaman ng mamamayan kung sino sa kanila (politicians at gov't. officials) ang mga nagpayaman sa poder at sino sa kanila ang may mga hidden wealth, boom!


XXX


SEC CHAIRMAN FRANCIS LIM NA NAGPAPANIWALA SA FAKE NEWS, DAPAT MAG-RESIGN SA PUWESTO -- Binawi ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Francis Lim ang sinabi niyang halos P1.7 trillion ang halagang nawala sa nakalipas na tatlong linggo sa market value ng mga kumpanyang nasa stock market dahil sa corruption sa flood control project, na ayon sa SEC chairman ay fake news daw pala ang nakuha niyang impormasyon sa industry report sa social media.


Mantakin n’yo, SEC chairman nagpapaniwala sa fake news.

Kaya’t kung may delicadeza siya, dapat ay agad-agad na mag-resign na siya, period!


XXX


RAKET SA REBLOCKING PROJECT, STOP NA -- Sinuspinde na ni Sec. Vince Dizon ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking project ng kagawaran.


Ayos iyan para matigil na rin ang raket ng mga ‘buwaya’ sa DPWH at mga sindikatong kontraktor na ang diskarte ay sisirain ang maayos na sementadong kalsada at saka aayusin at sesementuhan uli, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page