Mga produ, luging-lugi… 3 ARAW NG MMFF, P11 MILYON LANG!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 30, 2020

As expected, mahina ang kita ng Metro Manila Film Festival 2020 dahil sarado pa ang mga sinehan at sa online lang napapanood ang 10 pelikulang kasama ngayong taon.
Isa pang dahilan kung bakit mahina ay napirata na kaagad ang ilang pelikula sa unang araw pa lang ng pagpapalabas ng MMFF 2020 entries, kaya sobrang nalulungkot ang lahat ng producers dahil paano nila mababawi ang mga nagastos nila? Nakikisimpatya rin ang mga artistang kasama sa pelikula.
Sa ikatlong araw ay nagtala lang ng P11 million ang gross at ang kalahati nito ay kinita ng pelikulang Fan Girl na nanalong Best Picture sa nakaraang MMFF 2020 Awards Night kabilang na ang Best Actor, Best Actress at Best Director.
At sa natirang kalahati ng P11 M ay naghati-hati naman ang mga pelikulang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim (2nd place); The Boy Foretold by the Stars (3rd); Pakboys: Takusa (4th); The Missing (5th) at ika-anim ang Magikland.
Ang mga pelikulang Isa Pang Bahaghari, Tagpuan, Coming Home at Suarez: The Healing Priest ay hindi masyadong tinangkilik ngayong taon. Siguro kasi, ang market ng mga nabanggit ay mga senior citizens na mahilig sa drama na hindi marunong sa online lalo na kung walang gagabay sa kanila.
Sana sa 2021 ay magbukas na ang mga sinehan para makagala na ulit ang mga senior citizens.





Comments