top of page

Mga pinuno na ayaw magbago, kabataan ang patuloy na biktima!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | January 7, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Marami pang bansa ang sasalakayin ng US.

Kumbaga, praktis lang ang Venezuela.

 

----$$$--

PINAKAMALINIS daw ang 2026 Annual Budget.

Sabihin n’yo ‘yan sa buwan.

 

----$$$-- 

HINDI matanggal-tanggal ang ‘unprogrammed fund”.

Bakit? Kasi kapag wala iyan, ang Pangulo ang “matatanggal” gamit ang impeachment.

Gets mo?

 

----$$$--

ANG budgeting ay nagagamit sa pamba-blackmail mismo kontra sa Pangulo.

Kapag hindi kinunsinte ng Pangulo ang mga “buwaya,” mangangatog ang mga ito at magsusulong ng impeachment kahit “walang dahilan”.

 

----$$$--

DOUBLE-BLADE ang unprogrammed fund, puwedeng gamitin ito nang lihim para tustusan din ang “impeachment” laban sa personal na kaaway ng Pangulo.

‘Yan ay naranasan ni ex-Chief Justice Renato Corona.

At siyempre, aktuwal na nararanasan ni VP Sara.

 

-----$$$--

KAPAG hindi rin nabigyan ng “ALOKABOL” ang mga buwaya, ipapa-impeach nito ang Pangulo.

‘Yan ang naranasan ni Pareng Erap.

 

-----$$$--

DISPALINGHADO ang “budget process” kaya dapat itong suriin at baguhin.

Pero, paano babaguhin kung ang “benepisaryo” o “recipient” ay ang mismong lehislatura at ehekutibo?

No choice kundi manatili ang “status quo”.

 

-----$$$--

NAPAKAHALAGA ng papel ng kabataan dahil sila ang biktima ng kasuwapangan ng mga nanunungkulan.

Kailangan nilang magkaroon ng lider upang mawalan ng papel ang mga buwayang hindi na talaga magbabago pa.

 

-----$$$--

NAGPROPAGANDA na naman si Gov. Chavit.

Gusto niyang gamiting “kasangkapan” ang mga kabataan.

Ngek!!

 

-----$$$--

Hindi dapat magpagamit ang mga kabataan sa mga pusakal na pulitiko.

Hindi rin sila dapat magpadikta sa kanilang mga magulang na “nagbebenta” ng boto at nagpapa-impluwensiya sa propaganda ng mga buwaya.

 

-----$$$--

HIGIT isang siglo na nang yumao si Dr. Jose Rizal, hanggang ngayon ay “mangmang” at iresponsable pa rin ang mga kabataan.

Kailangan nila ang marahas na pakikialam upang mabago ang lipunan at matupad ang pangarap ni Rizal.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page