top of page
Search
  • BULGAR

Mga paraan para makapag-cash loan sa Pag-IBIG

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 09, 2023



Hello, Bulgarians! Ang Multi-Purpose Loan o MPL ng Pag-IBIG Fund ay ang abot-kaya at madaling ma-access na cash loan ng ahensya.


Sa ilalim ng Pag-IBIG MPL, ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80 porsyento ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings, na binubuo ng kanilang buwanang kontribusyon, employer contribution, at mga naipong dibidendo.


Ang mga nalikom ay maaaring gamiting pambayad para sa mga bayarin sa matrikula, mga gastusing medikal, pagpapagawa ng bahay, family trip, o kapital para sa maliit na negosyo. Ang loan ay babayaran sa 24 o 36 na buwanang installment, na ang unang pagbabayad ay ipinagpaliban sa loob ng dalawang buwan.


Ang Pag-IBIG MPL ay nasa mababang interest rate na 10.5% kada taon.


Sa mga nakaraang taon, ibinalik ng ahensya ang higit sa 90% ng kita nito sa mga miyembro sa anyo ng mga dibidendo.

Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang ahensya ngayon ay nagbibigay sa mga miyembro ng maraming paraan para maginhawang mag-aplay para sa isang Pag-IBIG MPL sa pamamagitan ng mahigit 200 na sangay nito, sa online facility nitong Virtual Pag-IBIG na matatagpuan sa kanilang website, at ang Virtual Pag-IBIG mobile app.

Sa kabuuan, naglabas ang Pag-IBIG Fund ng P16.44 bilyon na short term loans na nakinabang ang 766,258 miyembro noong Enero hanggang Abril. Kabilang dito ang inilabas na halaga sa ilalim ng Pag-IBIG MPL at ang P.62 bilyon sa Pag-IBIG Calamity Loans na inilabas nito upang matulungan ang 37,605 miyembro.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page