top of page

Mga lolo’t lola, tunay na influencer ng buhay!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2025
  • 2 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | September 14, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Mga beshie, usapang thunders muna tayo. Alam n’yo ba kung sino ang unang nagturo sa atin ng “po” at “opo,” ng dasal bago matulog, at ng mga kuwentong puno ng aral? Sino pa kundi sina lolo at lola!


Kaya ni-refile ko sa Senado ang panukalang batas na magtatakda ng ikalawang Linggo ng Setyembre bilang National Grandparents’ Day.


Timing na timing din — dahil katatapos lang ng birthday ng OG presidente natin, si Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. 108 na dapat siya noong Setyembre 11, o ‘di ba?


Kaya’t habang inaalala natin ang kanyang kaarawan, sabay din nating bigyang halaga ang lahat ng OG sa ating buhay — ang mga lolo’t lola na siyang haligi ng pamilya.


Sila ang tunay na influencer ng ating pagkatao. Hindi man sila marunong mag-TikTok, pero sila ang always trending pagdating sa pagtuturo ng mabuting asal, disiplina, at pagmamahal sa atin. Ayon pa nga sa mga pag-aaral, malaki ang papel ng grandparents sa emotional at behavioral growth ng mga apo. Kumbaga, sila ang original na role model! Talagang orig na orig!


Hindi lang appreciation ang handog natin sa ating mga OG dahil nasimulan na natin sa Social Pension at Expanded Centenarians Act! Marami pa tayong utang sa ating mga lolo at lola kasi hindi pa lahat naro-roll out! Relax lang kayo d’yan mga Meemaw, ako na bahala mangalampag! 


Sa National Grandparents’ Day, ipapakita natin na hindi sila invisible kundi bida sa ating mga puso. Mga apo, huwag lang likes at reacts sa social media ang ialay kay lolo at lola. Tawagan n’yo sila, yakapin, dalawin — dahil sila ang OG na dahilan kung bakit tayo naririto ngayon.


Mabuhay ang lahat ng ating lolo at lola! Mabuhay din ang ating OG Presidente, Apo Lakay!


Happy Grandparents’ Day!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page