top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga korup, sapul na naman… VICE: ANG TOTOONG PUBLIC SERVANT, 'DI YUMAYAMAN AT 'DI NAGPAPAYAMAN

BULGAR
Oct 14, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 14, 2021



Nagpasaring na naman si Vice Ganda sa mga tiwaling government officials. Sa recent episode ng It’s Showtime ay buong-tapang na nag-rant ang Unkabogable Star nang mapag-usapan nila ng contestant sa Reina ng Tahanan ang tungkol sa pagtulong sa kapwa.


Health worker kasi ang contestant na si Yolanda Magat at aniya ay naging misyon na niya sa buhay ang tumulong sa nangangailangan.


Pinuri siya ni Vice Ganda at aniya, ito raw ang tunay na public servant.


“Serbisyo publiko. Kinakalimutan niya ang sarili niya, dahil 'yung pinagseserbisyuhan niya muna bago siya, 'yun 'yung totoong public servant.


“'Yung mga totoong public servants, hindi sila yumayaman at hindi sila nagpapayaman.


'Yung mga yumaman habang nakaupo, hindi sila totoong public servants,” pahayag ni Vice.

“Ginamit lang nila ang posisyon para mabigyan nila ng sariling pag-angat ang kanilang mga pamilya. At nagpagamit din tayo sa mga 'yan,” hirit pa ng TV host.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page