top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga kapwa artista, ang bobobo raw…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2020
2 min read

G TONGI KAY ARNELL: IKAW ANG MAY MAHINANG ULO KAYA 'DI KA TINUTUBUAN NG BUHOK

Julie Bonifacio - @Winner | November 6, 2020




Humaba na ang isyu sa "pagkawala" ni Pres. Rodrigo Duterte sa press briefing para sa Bagyong Rolly nu'ng Sunday. Nadagdagan na rin ang mga celebrities na nadawit sa isyung ito.


Una naming naisulat nu'ng kasagsagan ng Bagyong Rolly ang comment ni Agot Isidro sa tweet ng Hollywood star na si Mark Ruffalo tungkol sa panawagan nito na maghanda na ng ido-donate para sa Pilipinas.


Hiling ni Agot, ipadala ang donasyon sa opisina ni Vice-President Leni Robredo.


Sumunod naman ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na nag-tweet sa isang government official na kumilos at gawin ang sinumpaang tungkulin sa bayan, na ang pakiramdam ng marami ay patungkol kay Pres. Duterte.


Kinabukasan ay may ipinost naman sa kanyang social media account ang dating Assistant Vice-President for Community Relation and Services Development of the Philippine Amusement and Gaming Corporation na si Arnell Ignacio tungkol sa mga artistang mahina na ang ulo ay mayabang pa.


“Noon ang artista, kadalasan ang tingin, eh, mahina ang ulo… na stereoyped kumbaga. Nakakasama nga ng loob noon… pero ngayon, ang hirap nang ipagtanggol. Ang daming pruweba, eh. May yabang pa nga sa katangahan, eh," mensahe ni Arnell.


Feeling ng iba, si Angelica ang pinatatamaan dito ni Arnell. But instead na si Angelica ang mag-react, ang nananahimik sa Amerika na si G Tongi ang pumalag sa post ni Arnell.


Ini-retweet ni G ang FB post ni Arnell na lumabas sa isang online news. At heto ang reaksiyon ni G sa kanyang Twitter account kahapon, "Arnel- dahan-dahan lang sa pag-atake ng mga kasamahan sa industriya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila... Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay 'yung 'di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka-plug-ins ka."


Comment ng netizen sa tweet ni G, "Thank you for clapping back. There is no room in a democracy for people trying to dismiss those voicing out their concerns as “tanga.”


May nagtanggol naman din kay Arnell sa tweet ni G, "The same thing po, karapatan din po ni Arnell ang mag-comment."


Si G ay kilalang kritiko ng administrasyong Duterte. And of course, 'di pinalusot ng mga tinatawag na DDS sa social media ang tweet ni G.


Aware naman dito si G kaya sa sumunod na tweet niya, nagpaliwanag ang dating aktres.


"Lots tweeting me back after my recent tweet. 3 things, if I may? 1. I have always been vocal about my beliefs that keep Filipinos oppressed. Activism is part of who I am. 2. I can’t understand a lot of ur tweets 'coz dds jologs #sorrynotsorry 3. I stated a fact on the hair plugs."


Pagkatapos ay sinundan pa ni G ng isa pang tweet ang huling ipinost niya sa kanyang Twitter account.


"Lastly and most importantly... Freedom of speech and healthy discourse please. Calling someone dumb is not an argument to make for people expressing themselves. Politics aside and humanity first ok?"


Naku, after nina Agot, Angelica, Arnell at G, eh, sa tingin ninyo, may hahabol pa kaya na reaction from other celebrities?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page