top of page

Mga hepe ng pulisya, kung ayaw matulad sa 8 sinibak, seryosohin ang 5-minute response sa krimen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 18, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PBBM ‘INUNGGOY’ NG MGA TAONG BINIGYAN NIYA NG PUWESTO SA PAMAHALAAN -- Inamin ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na may mga tinanggap siyang false accomplishment reports ng mga government project mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.


Kumbaga, parang inamin na rin ni PBBM na ‘inunggoy’ lang siya ng mga miyembro ng kanyang gabinete na kanyang ini-appoint sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan, tsk!


XXX


SINO SA MGA KAIBIGAN NI PBBM ANG SISIBAKIN NIYA SA KANYANG GABINETE? -- Tiniyak ni PBBM na sisibakin niya sa puwesto ang mga kaibigan niyang binigyan niya ng posisyon sa gobyerno pero hindi nagawa ang trabaho sa kanilang departamento.


Aba’y dapat lang. Kaya ang tanong: Sino kaya sa mga kaibigan ni PBBM na miyembro ng kanyang gabinete ang sisibakin niya sa puwesto? Abangan!


XXX


DAPAT PAKINGGAN NI PBBM ANG PAYO SA KANYA NI ATTY. MACALINTAL NA I-VETO ANG POSTPONEMENT NG BSKE 2025 -- Nanawagan si Atty. Romy Macalintal kay PBBM na i-veto nito ang ipinasang panukalang batas ng Senado at Kamara na nagpu-postpone sa nakatakdang halalan sa Dec. 1, 2025 at pagpapalawig sa termino ng mga kasalukuyang nakaupong mga barangay official sa buong bansa.


Dapat pakinggan ni PBBM ang panawagang ito sa kanya ni Atty. Macalintal para hindi siya mapahiya uli kasi sa tema ng pananalita ng abogado ay kukuwestiyunin niya uli ito sa Supreme Court (SC).


Kung babalikan ang postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Dec. 5, 2022 na inaprub noon ni PBBM ay napahiya rito ang


Presidente dahil nang kuwestiyunin ito ni Macalintal sa SC, ang abogado ang kinatigan ng Korte Suprema at sa inilabas na desisyon ng 15 mahistrado, sablay daw o labag sa Konstitusyon ang nilagdaan ng Pangulo na nagpapaliban sa halalan, at bagama’t na-delay, natuloy ang BSKE noong unang Lunes ng October 2023, period!


XXX


SERYOSO SI GEN. TORRE SA 5 MINUTES RESPONSE KAYA ANG MGA HINDI AGAD NAKAPAGRESPONDE PINAGSISIBAK SA PUWESTO -- Walong hepe ng pulisya sa Metro Manila ang sinibak ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III dahil sa pagkabigong makapagresponde ang kanilang mga tauhan sa itinakda niyang 5 minutes response sa mga krimen sa kanilang mga nasasakupan sa Caloocan City, Navotas City, Paranaque City, Makati City, Valenzuela City, Marikina City, Mandaluyong City at San Juan City.


Ang sibakang ito sa mga hepe ang patunay na seryoso si Gen. Torre na ipatupad ang 5 minutes response ng kapulisan sa mga krimeng nagaganap sa kanilang mga nasasakupan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page