top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Mga guro, 30 araw na ang vacation credits

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2024
  • 3 min read

ni Ryan Sison @Boses | Sep. 28, 2024



Boses by Ryan Sison

Siguradong labis ang nararamdamang kasiyahan ngayon ng ating mga guro. 

Ayon kasi sa Department of Education (DepEd), dinoble nila ang vacation service credits (VSCs) ng mga guro sa pampublikong paaralan na 30 araw mula sa dating 15, sa ilalim ng bagong guidelines.


Batay sa updated guidelines, ang DepEd Order No. 13 s. 2024, na nilagdaan ni DepEd Secretary Sonny Angara, ay nakasaad, “streamlined the administration of VSCs, which allow teachers to offset absences due to illness or personal reasons, or to recover salary deductions during vacation periods.” 


Nakapaloob dito na ang mga incumbent teacher na may hindi bababa sa isang taon ng serbisyo, gayundin ang mga bagong hired teacher na itinalaga sa loob ng apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng mga klase, ay entitled na ngayon sa 30 araw ng VSCs taun-taon. Ang mga bagong hired teacher naman na ang mga appointment ay inisyu apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng mga klase ay makatatanggap ng 45 araw ng VSCs bawat taon.


Sinabi rin ng DepEd na isang kapansin-pansing pagpapabuti rito ay ang probisyon para sa pag-calculate ng mga service credits na lampas sa regular work hours, na sa bawat oras ng eligible o karapat-dapat na serbisyo na ibinibigay sa panahon ng school days, ang mga guro ay magkakaroon na ng 1.25 oras ng VSC. At kung ang serbisyo naman ay ibinigay sa panahon ng Pasko o summer breaks, weekends, o holidays, ito ay katumbas ng 1.5 oras ng VSC per hour. 


Ayon pa sa kagawaran, ang mga guro na naka-assign para magsagawa ng mga ancillary tasks o karagdagang mga teaching-related duties sa labas ng kanilang mga regular na oras, ay makikinabang din sa bagong guidelines.


Kabilang naman sa mga naturang gawain ang pagdalo sa mga training sessions kapag weekends o holidays, pagsasagawa ng remedial o enhancement classes, mga tungkuling may kaugnayan sa halalan, mga parent-teacher conferences, at home visits. 


Sa mga kaso kung saan ang teaching overload ay hindi nabayaran sa pamamagitan ng overload pay, ang mga guro ay bibigyan ng 1.25 oras ng VSC para sa bawat oras ng karagdagang pagtuturo, bukod pa sa kanilang 30-araw na entitlement, anang kagawaran. 


Ipinahayag naman ng DepEd na ang pag-apruba ng VSCs ay nangangailangan ng pahintulot o authorization mula sa Schools Division Superintendent o ibang itinalagang may katungkulan.


Mainam ang ginawang ito ng kagawaran na tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga guro, at tiyaking maayos silang nababayaran para sa dagdag na trabaho, lalo na sa mga panahon gaya ng summer o mahabang bakasyon.


Makabubuti rin para sa mga guro ang naturang hakbang dahil mapapangalagaan naman ang kanilang mga net take-home pay sa pamamagitan ng pagre-recognize ng kanilang partisipasyon sa mga aktibidad na pinamumunuan ng DepEd sa national, regional, at division levels.


Kumbaga, maayos na natututukan ang kalagayan at sitwasyon ng ating mga minamahal na guro na wala namang ibang inisip kundi ang magturo at hubugin ang mga nag-aaral nating mga anak. 


Sa ganito ring paraan ay nagagawa natin kahit paano na tumbasan ang kanilang mga sakripisyo at pagsisikap, habang sila naman ay patuloy na nagiging maganda ang pamumuhay.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page