Mga ebidensiya, lumabas, buking na sinungaling… DANI, BIGLANG-KAMBIYO VS. SA MGA HIRIT SA
- BULGAR
- Jul 28, 2021
- 1 min read
PADIR NA SI KIER.
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 28, 2021

Nag-apologize si Dani Barretto sa mga na-offend dahil sa mga sinabi niya especially sa kanyang ama na si Kier Legaspi.
Tsika kasi ni Dani sa interview sa kanya ni Dra. Vicki Belo para sa vlog nito, never siyang nag-celebrate ng birthday na nandoon si Kier.
Eh, biglang may nag-post na netizens ng photos ng birthday celebration ni Dani noong two years old siya sa bahay ng mga Legaspi.
Nag-post din ng cryptic message si Kier sa kanyang Instagram tungkol sa “lies.”
Reaction ng ibang netizens, ano raw ba'ng problema ni Dani at nag-e-emote pa siya nang ganu'n? May asawa’t anak na siya, dapat daw, hindi na siya nagsasalita nang ‘di maganda sa kanyang ama.
Kahit ano’ng sama raw ng magulang, whether ang ina or ama ‘yan, dapat ibigay ang respeto para sa kanila kahit wala ka nang nararamdamang pagmamahal.
Hanash pa ng netizens, kahit daw nag-apologize na si Dani, 'di raw nila ma-feel ang sincerity ng paghingi niya ng sorry.
Ganern!








Comments