Mga cabinet member, pinag-courtesy resignation, sino ba ang matino sa kanila?
- BULGAR

- May 23, 2025
- 3 min read
ni Ka Ambo @Bistado | May 23, 2025

Pinagsusumite ng courtesy resignation ang lahat ng miyembro ng gabinete.
Klap, klap, klap!
----$$$--
Iisa lang naman talaga ang matino sa mga gabinete.
Iyan ay tanging si Defense secretary Gibo Teodoro.
Wala nang iba pa.
----$$$--
PALPAK ang mga kalihim sa Health, Agriculture, DSWD, Finance, Labor at marami pang iba.
Kahit sa DepEd ay walang pambihirang achievements.
-----$$$---
PINAKAMAHALAGA ay sa media group, malinaw na walang talab ang mga communicators.
Masyadong mabu-NGANGA lang.
----$$$--
HINDI dapat mapagkamalang propaganda o press releases — ang magagandang nagagawa ni PBBM.
Dapat ay pumosturang lehitimong news ang mga ulat kaugnay ng achievement ng Marcos Jr. administration.
Paano gagawin?
Diyan sila kakapusin — dahil wala silang epektibong diskarte!
----$$$--
HINDI naman batikang editor o news director o may tahid na media practitioner — ang pinupulot ng Malacañang.
Nilalamon ang rekomendasyon ng “personalidad” imbes kuwalipikasyon — ang batayan sa pagtatalaga.
----$$$--
HINDI dahil nagmula sa malalaking media network — ay mahuhusay o may sapat na karanasan.
Biased ang mga iyan — at tila walang karanasan sa “estratehiya” o kung paano humubog o lumikha ng “epektibong balita”.
Kakaunti ang nakakaunawa niyan — at mga beteranong editor lang ang puwedeng gumawa.
----$$$--
HINDI naman popularity contest — ang pagtatalaga sa mga bagong gabinete, lalong hindi dapat palakasan o kama-kamag-anak o kaibi-kaibigan.
Kuwalipikasyon dapat at hindi pa huli ang lahat — para maisalba ang reputasyon ng Marcos Jr. administration.
----$$$---
DAPAT maunawaan natin — na hindi sapat naglalabas o nagre-release o nagpo-post ng positive news.
Hindi positive news ang kailangan, ang kailangan ay “credible news” o kapani-paniwalang impormasyon.
Paano gagawin?
Diyan na sila mahihirapan, sapagkat — tiyak na hindi nila mauunawaan kung “ano ang credible at hindi credible”.
----$$$--
TULUNGAN natin na maunawaan kung ano ang credible?
Una, hindi teksto, hindi rin content o konteksto lamang ang may kaugnayan sa credible news.
Bagkus, ang credible news — ay nakapundasyon din o nakasandal kung paano ikinalat ang “ulat” — sino ang nagkalat at anong klase ng entidad ang nagkalat.
----$$$--
IBIG sabihin, kapag ang isang “aktuwal na balita” — ay ikinalat gamit ang “layer o proseso” na ginagamit sa propaganda — nawawalan ‘yan ng kredibilidad.
Maselan ang paglalabas ng komunikasyon — lalo na’t nagmumula sa Malacañang.
----$$$--
HALIMBAWA, inilabas ng Malacañang ay isang aktuwal o tunay na balita — pero ang nagbrodkast nito ay mga block timer o “bayarang entidad” o nagbabayad na entidad — ang letihimo ay napagkamalang propaganda.
Halimbawa naman, ang isang ulat ay positibo o tunay, pero ang gumawa o naghubog ng balita — ay ginamit sa unang dalawang linya — ay personalidad, imbes na isyu — nagiging “bayad” ang balita — kahit hindi naman.
-----$$$--
NAIS lamang nating sabihin, na maselan ang proseso sa paggawa ng balita o pagkakalat ng impormasyon.
Maraming nasasayang na “lehitimong balita” na dapat ay maunawaan o ma-absorb ng mga mamamayan — pero isinusuka ito at napagkakamalan propaganda — kahit hindi naman!
----$$$--
KAHIT naman ang mga matitinong editor o brodkaster ay napukulan ng “balitang palpak” ang pagkaka-compose o pagkakalikha — napagkakamalan “may bayad” — kahit wala naman!
Naipapahamak ng “maling konteksto” ng balita — ang mismong nagbobrodkast o nagpaplakda sa diyaryo o nagpo-post — kahit wala naman silang natatanggap na pabor mula sa pinagmulan ng mga ulat.
----$$$--
Ang masakit, walang talab ang “dispalinghadong ulat” sa mga nakinig, nanood o nagbasa, maliban sa “masaya” ang tao na “pinuri’ sa balita — na karaniwan ay tinatawag na “PRINCIPAL”.
At ang pinakamabigat, mababansagan itong isang klase ng “fake news” — kahit hindi naman talaga!
Ang talamak na iskemang iyan — ang isa sa nagwawasak ng media industry — na hindi namamalayan ng mga taong gumagalaw sa loob nito!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.







Comments