Mga ‘buwaya’, happy sa nakakalulang P6.793T budget sa 2026
- BULGAR

- Jul 17, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 17, 2025

WALA NG OPOSISYON SA KAMARA DAHIL ANG MINORITY LEADER, ‘TUTA’ NG SPEAKER -- Dati, ang kalakaran sa Kamara ay iyong kongresistang kumandidato sa speakership na natalo ang siyang awtomatik na magiging minority leader, at ang minority leader na ito ang siyang mamumuno sa pagkontra at pambabatikos sa mga maling polisiya ng speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Bigyang halimbawa natin noong 10th Congress, naglaban sa speakership ang noo’y Pangasinan Rep. Jose De Venecia at dating San Juan Rep. Ronaldo Zamora, nagwagi si De Venecia kaya siya ang naging speaker, at ang natalo na si Zamora ay awtomatik na minority leader, at umiral ang ganyang sistema hanggang 15th Congress, nagwagi bilang speaker ang noo’y Quezon City Rep. Sonny Belmonte at ang tinalo niya, na noo’y Albay Rep. Edcel Lagman, ang siyang naging minority leader.
Nabago ang sistema pagpasok ng 16th Congress hanggang 19th Congress, na kahit hindi kumandidato sa pagka-speaker, nagiging minority leader, kaya ang resulta wala nang tumatayong oposisyon sa Kamara, dahil ang speaker na ang nagdidikta kung sino dapat umaktong minority leader.
Onli in da ‘Pinas lang iyan, na ang minority leader ng House of Representatives, “tuta” ng speaker, boom!
XXX
P6.793T PROPOSED BUDGET SA 2026 APRUB KAY PBBM, KAYA ANG MGA ‘BUWAYA’ HAPPY NA NAMAN! -- Inaprub ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang P6.793 trillion proposed national budget para sa year 2026.
Sa laki ng national budget na iyan, happy na naman ang mga “buwaya” sa pamahalaan, buset!
XXX
MALAMANG PUTAKTIHIN NG MGA KASO SA OMBUDSMAN ANG MGA SENADOR NA PABOR SA DISMISSAL WITHOUT TRIAL SA MGA KASO NI VP SARA -- Sinabi ni Fr. Ranhilio Aquino, dean ng Graduate School of Law ng San Beda na puwede raw kasuhan ng dereliction of duty o neglect of duty at anti-graft ang mga majority senator-judges na boboto para i-dismiss ang mga kasong impeachment kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio nang walang nagaganap na impeachment trial.
Naku kapag nagkataon, malamang putaktihin ng kaso sa Ombudsman ang mga senador na pabor sa ‘dismissal without trial,’ abangan!
XXX
WALA PANG NAIPAPAHULING MGA SMUGGLER SI CUSTOMS COMM. NEPOMUCENO KAYA MALAMANG WALANG MAIBIBIDA SI PBBM SA KANYANG SONA SA PAGLABAN NG ADMINISTRASYON SA SMUGGLING -- Tila walang maibibida si PBBM sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) patungkol sa paglaban ng kanyang administrasyon sa mga smuggler.
Hanggang ngayon kasi ay wala pang naibibida si Customs Comm. Ariel Nepomuceno na may nahuli na silang mga smuggler sa Adwana, boom!








Comments