top of page
Search
  • BULGAR

Mga bossing, natataranta… EB!, TINATALO NA NG IT’S SHOWTIME, RATINGS DUMADAUSDOS

ni Julie Bonifacio @Winner | April 14, 2024




Nag - react ang It’s Showtime host at tinaguriang Unkabogable Star na si Vice Ganda nu’ng mahilingan ng fan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na alamin ang current status ng relasyon ng mga bida sa Pinoy adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim?. 


Sa X (dating Twitter) ay ipinost ng KimPau fan ang kanyang request kay Meme Vice.


Say ng KimPau fan sa X, “Meme, chika mo naman kung anong estado ng #KimPau.”


Imbes na mabuwisit si Meme Vice dahil pinagmukha pa siyang pakialamera sa love life nina Kim at Paulo, buong-ningning pa niya itong ini-repost at naglagay ng nakakaaliw na caption.


Caption ni Vice sa ini-repost niyang message ng KimPau fan, “Masaya naman sila lalo na kung masaya kayo! Teka, trabaho ko na din bang maging spokesperson nila?! ‘Kaloka!”


Iba-iba naman ang comment ng mga netizens sa post ni Meme Vice.


“Jusko naman, pati ba naman si Meme, kailangan pang tanungin about d’yan… Kahiya naman… Hintay lang po tayo kung ang #KimPau talaga, di happy tayo, pero ‘wag na magtanong kung kanino pa.”


“Lahat na lang, bwak bwak bwak. Puwede mo naman iutos kay kuya @Espanto2001 mao-all around naman ‘yun BWHAHAHAAHAAHAA.”


“Haha! Feeling like the unofficial spokesperson now, huh? Who knew being happy could get you a side gig? Life’s full of surprises!”


Suggestion tuloy ng ibang  KimPau fans, si Meme Vice na rin ang maging presidente ng KimPau fans club.


“Puwede po ba, ikaw na lang maging President ng #KimPau.”


Pagpapakita lang ito na talagang iba-iba ang level at klase ng fans meron si Meme Vice dahil sa It’s Showtime.


No wonder kung bakit may balita kaming nasagap from pure reliable source na super-nangangarag na raw ang ibang executives ng TV5 dahil sa patuloy na pagdausdos ng rating ng Eat…Bulaga!. 


Balitang nagkukumahog ang EB! nowadays looking for any suggestion na puwede nilang gawin sa show para kagatin ng TV audience.


Sabeee! 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page