Mga biktima ng lindol sa Mindanao, walang pagkain at tubig, nasaan ang gobyerno?
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 15, 2026

ERWIN TULFO, MALABONG MAG-VP KASI WALA NAMANG PANALO SA PAGKA-PRESIDENTE SI SEN. RISA HONTIVEROS — Malabong patulan ni Sen. Erwin Tulfo ang isinusulong ni former Sen. Antonio Trillanes na “Risa Hontiveros-Erwin Tulfo” tandem para sa 2028 elections.
Nagsabi na kasi si Sen. Erwin na wala siyang planong tumakbo sa pagka-presidente o pagka-bise presidente. At kung sakaling magbago man ang kanyang isip, malabong makipag-tandem siya kay Sen. Risa Hontiveros, na sa tingin ng marami ay mahihirapang manalo sa 2028 presidential election. Period!
XXX
TIYAK RERESBAK SI KIKO BARZAGA, MALAMANG IPAPA-ZERO VOTE NITO SA CAVITE 4TH DISTRICT ANG 'MANOK' NI PBBM SA PRESIDENTIAL ELECTION — Kabilang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa mga madalas batikusin noon ni dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa social media. Kaya naman, hindi man ito aminin, may mga naniniwalang may basbas ng Malacañang ang naging pagpapatalsik sa kanya bilang kongresista ng distrito.
At dahil dito, posibleng gumanti si Barzaga sa 2028 presidential election. Malamang na ipa-zero vote niya sa Cavite 4th District ang sinumang maging “manok” ni PBBM sa darating na halalan. Boom!
XXX
KUNG GUGUSTUHING MAGDALA NG PAGKAIN AT TUBIG MAY PARAAN, PERO KUNG AYAW DAHIL TINATAMAD, MARAMING DAHILAN — Marami nang residenteng biktima ng lindol sa Mindanao ang nagkakasakit dahil bukod sa kakulangan ng pagkain, wala rin silang maiinom na malinis na tubig.
Ang idinadahilan naman ng Marcos administration ay nasira umano ang mga kalsada at tulay kaya nahihirapan silang maghatid ng relief goods sa mga lugar na matinding sinalanta ng lindol.
Pambihira namang dahilan 'yan. Sa totoo lang, kung gugustuhin ay may paraan, pero kung tatamad-tamad at ayaw kumilos, maraming dahilan. Pwe!
XXX
PARA MAILIGTAS SA KAPAHAMAKAN ANG MGA BASKETBOLISTA NG ATENEO, DAPAT SIBAKIN NA BILANG COACH SI TAB BALDWIN — Kahit pa naglabas ng public apology at humingi ng paumanhin si basketball coach Tab Baldwin sa mga pamilya nina Rene Baterbonia at Divine Adili, dapat pa rin siyang sibakin ng Ateneo.
Iyan ang tanging paraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga manlalaro. Isipin n'yo, basketball ang nilalaro pero sa dagat isinasagawa ang training. Ang naging resulta, may nadisgrasya at nasawi. Tsk!





Comments