top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga BFF nu’ng sila pa ni John Lloyd, out na… ELLEN, NAGPA-BRIDAL SHOWER NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 9, 2021




Tuloy na tuloy na talaga ang wedding ng isa sa mga controversial couples sa bansa na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.


Lumutang sa socmed ang ilang larawan sa naganap na bridal shower for Ellen ng kanyang non-showbiz female friends.


Malapit na raw maging Mrs. Ramsay si Ellen, say ng mga netizens. Siyempre, marami ang na-happy dahil sa dami ng mga isyu na ibinato kina Ellen at Derek nu’ng una pa mang pumutok na magkarelasyon na sila, napatunayan nila na true love talaga ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.


And as usual, sa kabila ng kasiyahan na napi-feel ng mga friends ni Ellen for her, may mga inurirat pa rin sa mga litratong naglabasan.

Ang talas-talas ng mga netizens pagdating sa mga details sa ginanap na bridal shower for Ellen.


Pansin nila pati ang catering services na kinuha para sa bridal shower.

“Si Ellen din ang gumastos para sa bridal shower niya? Queensland catering kasi. Hindi nga okay mga hotels nila, masarap kaya food nila? Hahaha.”


“Been hearing good reviews about Queensland Catering. Didn’t know kina Ellen pala ‘yun.”

“Her friends could’ve ordered from them, not necessarily na si Ellen gumastos.”

“Teng, magkaiba ‘yun, ha? Hotels ‘yung kina Ellen, ‘yung catering, d’yan ‘yan sa Muntinlupa.”


May mga naghanap naman sa ibang friends ni Ellen na wala sa mga litrato.

“Biglang nawala sa circle of friends niya ‘yung guy and girl during her walwal days with JLC.”


“Oo nga, sino nga ba ‘yung mga ‘yun?!? Friends ba ni JL ‘yun o ni Ellen?”

“Korek baks! Ako rin, hinanap ko. Hehe!”


“Friends kuno lang ‘yun, ganu’n. Nakikitsismis. Tapos, nagpo-post ‘pag alanganin na shots.”

“Akala ko best friends ni Ellen ‘yung mga ‘yun, kasama pa niya matulog ‘yung girl.”

Pero may sumagot sa mga tanong ng mga ‘Marites’ tungkol sa mga hinahanap nila na friends daw ni Ellen.

“Nasa abroad, mga day. Friends pa rin sila. I met the girl, super-kalog and kuwela talaga siya.

Mabait naman. Carefree rich kid lang siguro. Well, a lot of these super rich kids usually party-party and walwal talaga, but they are nice people.”

“Vito is still her friend. ‘Yung girl na walwal ang wala na. Nasa UK na ‘yun, si Doreenting, nurse na siya doon, hehe.”

“‘Yung guy, parang celebrity photographer, eh.”

May isang netizen ang nagpangalan sa friend daw ni Ellen noong sila pa ni Lloydie.

“Pansin ko lang, mukhang ‘di na sila friends nu’ng BFF niya na si Nivien and nu’ng Doreen na always careless mag-post ng mga unflattering picture ni JLC sa Cebu before.”

“Nakuha mo pa name. Iba ka, baks. Kaninong friend ba ‘yun, JL o Ellen?”

“Yep. Wala si Ellen sa kasal ni Nivien noon. Matagal na silang friends ni Nivien, before pa yata siya nag-artista, kaibigan na niya ‘yun. So I wonder what happened. Akala ko nga dati, si Ellen ang magiging maid of honor sa kasal ni Nivien.”

“She's not following Nivien in IG anymore, mukhang may FO (friendship over).”


Pero may nagtanggol naman kay Ellen sa pagbabago niya nu’ng maging ina kay Elias.

“In fairness naman, after niyang nagkaanak, nag-lielow siya sa mga walwal post.”


Ang isa pang kilalang close friend ni Ellen ng mga netizens na wala sa pictures na kumalat sa socmed during her bridal shower ay ang celebrity din na si Beauty Gonzalez.


“Asan na si Beauty, ‘di ba, BFF sila nu’n in showbiz?”

“Baka ‘di masingit sa schedule ni Beauty. Si Vito din, wala, busy yata.”


‘Yun naman pala!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page