MGA BFF NI ALLAN K., KILIG TO THE BONES SA KANILA NI AHRON
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 22 , 2021

Pinag-uusapan ngayon sa sirkulo ng showbiz ang diumano'y relasyon ni Allan K. at ng aktor na si Ahron Villena.
Marami kasi ang nakakita sa mga posts ni Allan K. na magkasama silang nagbakasyon ni Ahron sa isang beach resort sa Boracay. Bale selebrasyon ito ng kaarawan ng TV host-comedian.
Sa ilang larawan nina Allan K. at Ahron, obvious na super happy silang magkasama.
Pero bago pa raw ang kanilang bakasyon sa Boracay, may mga nakakakita na kina Allan at Ahron na nagkakasama sa mga drinking sessions at silang dalawa lang ang magkasama.
Super react at masaya ang mga kaibigan ni Allan K. na sina Paolo Ballesteros, Donita Nose, Cacai Bautista atbp.. Lahat sila ay kinikilig sa napapabalitang love life ngayon ni Allan K.
Pero, tahimik at walang inaamin sa kanilang relasyon ni Ahron si Allan K.. Hanggang hindi na siya tinigilan ng media kaya wala siyang choice kundi umamin kung ano ang real score sa kanila ng hunk actor.
Say ni Allan, prank o joke, joke, joke lang ang ipinakikita nilang sweetness ni Ahron sa isa't isa.
Well, kung tutuusin, wala namang problema kung totoo man ang relasyong Allan K.-Ahron Villena. Pareho naman silang single ngayon. Matagal nang break si Allan K. sa dating karelasyon na isang Fil-British guy. Si Ahron naman ay walang girlfriend ngayon.
At kahit na kinukuwestiyon ang gender orientation ni Ahron, diretsahan niyang inamin noon kay Boy Abunda na hindi siya gay.
Minsan na ring na-link sa comedienne na si Cacai Bautista si Ahron pero nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil na rin sa mga intriga sa kanilang paligid.





Comments