top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Mga babaeng staff nagwelga, Eiffel Tower, isinara

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 9, 2026



Eiffel Tower sarado matapos magwelga ang mga empleyado - The Associated Press-File-Independent Co

Photo: Circulated / Eiffel Tower sarado matapos magwelga ang mga empleyado - The Associated Press-File / Independent Co



Isinara ang Eiffel Tower sa Paris nitong Lunes matapos magwelga ang mga empleyado dahil sa insidenteng kinasangkutan ng mga babaeng staff na umano’y pinaalis sa kanilang work areas para sa pribadong pagbisita ng isang Hindu religious group.


Nasa 100 delegado ng BAPS ang bumisita sa landmark noong Sabado. Ayon sa union representative, hiniling umano ng grupo na limitahan ang pakikisalamuha sa mga babae, kaya inilipat ang ilang female workers at pinalitan ng mga lalaki.


Kinumpirma ng Société d’Exploitation de la Tour Eiffel (SETE) na hiniling ang naturang arrangement at inamin nitong hindi ito dapat tinanggap. Humingi rin ng paumanhin ang management sa mga empleyado.


Nagtipon ang staff upang hilingin ang isang pag-uusap sa management at tiyaking hindi na mauulit ang insidente. Iginiit naman ng SETE na hindi tugma sa kanilang values at prinsipyo ng gender equality ang naturang kondisyon.


Humingi rin ng paumanhin ang BAPS Paris Temple at sinabing isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa Eiffel Tower team upang hindi makaabala sa ibang bisita.


Samantala, iniutos ni Paris Mayor Emmanuel Grégoire ang imbestigasyon. Kinondena rin ng ilang French political leaders ang insidente at iginiit na hindi dapat limitahan ang papel ng kababaihan dahil sa kahilingan ng mga dayuhang bisita.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page