top of page
Search
BULGAR

Mga atleta, laban lang, go for gold!

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | June 26, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go


Nag-uumapaw ang saya ng inyong Senator Kuya Bong Go habang hawak ang ating pambansang bandila sa harap ng magigiting nating mga atleta na sasabak sa 2024 Paris Olympics, kung saan noong nakaraang Biyernes, June 21, ay nakasama ko sila sa tanggapan ng Philippine Sports Commission o PSC sa Maynila.Bilang chair ng Senate Committee on Sports, isinulong natin kasama ang PSC, ang pagbibigay ng financial support na tig-P500,000 sa bawat Pilipinong Olympian.


Naantig ako sa sinabi ni Nesthy Petecio, on behalf ng ating Olympians, na ang importante sa kanila ay ang karangalan na dinadala nila para sa bansa na higit sa anumang pinansyal na suporta o insentibo na kanilang natatanggap. Sabi ko nga, ‘yun ay hindi nabibili ng anumang halaga.


Ang karangalang ito ay habambuhay na nilang dala-dala na alay nila sa mga Pilipino.Samantala, personal din nating sasaksihan katuwang ang PSC ngayong June 26 ang opisyal na pagbibigay ng financial support sa bawat miyembro at coaching staff ng Alas Pilipinas, ang Philippine women’s volleyball national team, na nanalo ng bronze sa katatapos lang na Asian Volleyball Challenge Cup.


Suportahan natin sila sa kanilang mga laban lalo na sa FIVB Challenger Cup sa susunod na linggo na gaganapin din sa bansa.Kasama ko ang bawat Pilipino na ipinagmamalaki ang ating mga atleta. Ngayon pa lang, mga kampeon na sila sa ating paningin dahil bitbit nila ang buong Pilipinas sa kanilang mga laban. Kaya bilang sports enthusiast at kapwa atleta rin, buo ang aking suporta sa mga ito dahil malaking karangalan ang palagi nilang hatid sa ating bansa. Laban, Pilipinas! Go for gold!


Bukod sa mga Olympians ay sinuportahan din natin ang ating mga atletang sumabak sa iba’t ibang international competitions gaya ng Asian Games sa China at SEA Games sa Cambodia noong nakaraan. Hangad ko rin na ang lahat ng manlalaro sa grassroots level ay mabigyan ng pagkakataong maiangat ang kanilang antas sa sports gayundin ang kanilang kalagayan sa buhay.


Naniniwala ako na sa pamamagitan ng sports ay mailalayo natin sa ilegal na droga ang ating mga kabataan. Get into sports, stay away from drugs to keep us healthy and fit. Kapag tayo ay physically fit, tayo ay healthy at hahaba ang ating buhay.


Napakalaking tulong ng sports, hindi lang sa ating pisikal na kalusugan kundi maging sa ating mental health.Kaya patuloy nating pinalalawak ang grassroots sports development sa buong bansa upang makatuklas ng iba pang talento na maaaring hasain at isabak sa international competitions sa hinaharap.


Nariyan ang Republic Act No. 11470, na tayo ang isa sa may-akda at nag-co-sponsor para maitatag ang National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City, Tarlac. Layunin nito na magkaloob ng specialized education and training parasa aspiring student athletes.


Pinangunahan din natin ang pagsusulong ng Senate Bill No. 2514, o ang The Philippine National Games (PNG) Act bilang principal sponsor at isa sa may-akda, na pasado na sa ikatlong pagbasa sa Senado. Layunin nito na ma-institutionalize ang pagdaraos ng national sports competition na paglalaanan ng karampatang pondo para makalahok maging ang mga nasa kanayunan.


Bukod sa mga atleta, hindi rin tayo tumitigil sa paghahatid ng serbisyo sa iba pa nating kababayan, lalo na ang mga higit na nangangailangan.


Personal tayong naghatid ng tulong noong June 22 sa 1,000 residente ng Pasay City na nawalan ng hanapbuhay katuwang si Mayor Emi Calixto Rubiano. Bukod sa ating tulong, isinulong natin na mabigyan sila ng pansamantalang trabaho mula sa gobyerno.


Nagbigay din tayo ng tulong sa 34 couples na pinagtaling puso sa ginanap 66th Pa-Wedding ni Tambunting sa Bicutan, na inisyatiba ni Cong. Gus Tambunting.


Nagpaabot din tayo ng pagbati, pakikiisa at pagsuporta sa mga miyembro ng LGBTQ+ noong June 23 sa pagdiriwang ng Pride Month. Mula noong panahon ni Tatay Digong hanggang ngayon, bahagi ng ating adbokasiya na mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng LGBTQ+ community.


Dumalo naman tayo noong June 24 sa masayang pagdaraos ng Bagat Dagat Festival sa Cataingan, Masbate sa paanyaya ni Governor Antonio Kho. Nag-inspeksyon tayo sa itinatayong Super Health Center sa lugar. Pinangunahan natin ang pagkakaloob ng tulong sa higit isang libong nawalan ng hanapbuhay, na mabibigyan din ng DOLE ng pansamantalang trabaho.


Kahapon, June 25, ay naimbitahan tayo bilang panauhing tagapagsalita sa ginanap na Don Mariano Marcos Memorial State University-Mid La Union Campus 43rd Commencement Exercises sa San Fernando City, La Union. Nagbigay tayo ng inspirasyon at suporta para sa 730 graduates. Binisita rin natin ang Ilocos Training and Regional Medical Center at nagpakain ng lugaw sa mga staff at pasyente. May Malasakit Center dito na layuning makapagbigay ng tulong pampagamot sa mga mahihirap na pasyente ayon sa Malasakit Centers Law na ating pangunahing iniakda at inisponsor noon para maisabatas.


Sinaksihan din natin ang ribbon cutting ceremony ng bagong Super Health Center sa San Fernando City kasama si Mayor Dong Gualberto na layuning ilapit ang pangunahing serbisyong medikal sa mga kababayan lalo na sa kabundukan kung saan itinayo ito. Pagkatapos ay pinangunahan din natin ang pagkakaloob ng tulong sa 2,000 mahihirap na residente sa San Juan katuwang sina Gov. Rafy Ortega at former Gov. Pacoy Ortega. Bukod sa suporta mula sa aking tanggapan, nabigyan din sila ng tulong pinansyal na ating isinulong kasama ang lokal na pamahalaan.


Tuluy-tuloy din ang aking Malasakit Team sa pag-alalay sa mga kababayang mahihirap kabilang ang 1,061 sa Palayan City, Nueva Ecija katuwang si Cong. GP Padiernos; 1,000 sa San Roque kaagapay si Mayor Mean Abalon; 1,000 sa Mapanas kasama si Mayor Ron Tejano, at 4,200 sa Palapag katuwang sina Mayor Fawa Batula at Gov. Edwin Ong sa Northern Samar.


Hindi rin natin kinaligtaang tulungan agad ang mga naging biktima ng sunog gaya ng 97 residente ng District 1, Manila City; at 20 sa Toril, Davao City. Nabigyan din ng tulong ang 50 pamilya ng mga pulis at sundalo na nakaengkuwentro ng NPA sa Alfonso, Nueva Vizcaya sa pakikipagtulungan kay Vice Gov. Eufemia Dacayo; at 24 pasyente sa ginanap na Medical Mission na ating sinuportahan kasama ang Philippine Association of Thoracic and Cardiovascular Surgery Inc. sa Davao del Sur Provincial Hospital, Digos City.


Minsan lang tayong daraan sa mundong ito kaya anumang tulong na puwede nating ihatid sa kapwa, at karangalan na maaari nating maibigay sa bansa, ay gawin na po natin ngayon. Bilang inyong senador, patuloy akong magseserbisyo sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page