top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga anak, mas pinili kesa sa TV host… BISTEK, HAPI NA IKAKASAL NA SI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 1, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 1, 2021





Maraming fans ni Kris Aquino ang nag-aabang sa reaction ni Herbert Bautista nang mabunyag sa publiko na engaged na siya kay dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.


Tinanggap ni Kris ang marriage proposal ni Mel at inaayos na ang kanilang nalalapit na kasal.


Alam naman ng lahat na naging magkarelasyon din sina Kris at dating QC Mayor Herbert.


Nagkaroon lang ng mga problema beyond their control kaya naputol ang kanilang relasyon.


Tanggap ni Kris na mas matimbang kay Bistek ang kanyang mga anak at hindi siya mapapakasalan ng actor-politician.


Hindi si Herbert Bautista ang lalaking nakatadhana para kay Kris Aquino kundi si Mel Senen Sarmiento na may dalawa na ring anak sa unang nakarelasyon.


Sincere si Bistek sa kanyang pahayag na hangad niya ang kaligayahan ni Kris Aquino.


Happy siya na natagpuan na ni Kris ang “the one” na makakasama niya habambuhay.


Ang tanong naman ng mga supporters ni Herbert Bautista, ikakampanya kaya ni Krissy si Bistek ngayon na kakandidato itong senador sa 2022 elections?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page