Mga accla, tuwang-tuwa… HUBAD NA KATAWAN NI JOSHUA, PINAGPIYESTAHAN
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 8, 2026

Photo: FB Joshua Garcia
Marami ang nagulat sa nag-viral na photo ni Joshua Garcia kung saan makikitang topless ito at towel lang ang nakatakip sa kanyang private part.
Buo na ba ang loob ni Joshua na ibuyangyang ang kanyang katawan?
In fairness, mukha pa rin namang disente ang shot ni Joshua na para sa ine-endorse niyang liniment oil.
Marami ang pumuri sa makinis na kutis ni Joshua. Pansin din ng mga netizens ang nakalitaw niyang mga nipples at mabuhok na kilikili.
Sey ng mga netizens:
“Oh, mga, accla! Marami ka na bang lamig sa katawan? Sagot na ni Joshua at Efficascent Oil ‘yan! Beh, Joshua, paki-hard ang massage, kasing-hard ng notches mo! Eme! Not eme!”
“Good morning, bebe ko Joshua Garcia. Napakasarap naman ng almusal. Hindi pa ako kumakain pero busog na busog na ako. Grabe ka, Joshua. ‘Wag kayo mag-zoom, ha!”
“Mas mapapabili ako ‘pag ganito, makatotohanan ang endorsement.
“Lalo na sa mga trentahin na need ng masahe sa buong katawan. Grabe naman ‘yung panghuli, Joshua!”
Kaya lang, nilinaw ng admin ng Facebook account ni Joshua Garcia na AI at edited lang ang naturang topless photo niya, kaya sorry na lang, mga accla.
Kaya ‘di raw humaharap sa mga tao…
MATET, UMAMING LAGING NAKAINOM
Para kay Matet de Leon, tama lang ang deklarasyon ni Ian de Leon na siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga iniwan ng kanyang ina, ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor.
“Totoo naman po, eh. Totoo naman. Walang pagdududa ru’n. Kumbaga, kahit ‘di na n’ya sabihin, eh, understandable. Alam na po ng lahat ‘yan,” pahayag ni Matet kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kahapon.
Hindi raw sila kasama ni Lotlot de Leon sa itinayong Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation ni Ian, at nalaman na lang nila sa social media ang lahat.
Bago pa raw itayo ni Ian ang foundation para sa kanyang ina, mayroon na silang foundation nina Lotlot para kay Nora.
“Shortly after mom passed away, nagmamadali po kami na magtayo ng foundation because ang dami pong gustong gumawa ng foundation and everything. So, nagmadali kami kasi kailangan kaming lima ru’n,” esplika ni Matet.
Dapat daw ay silang lima ang mamahala sa foundation ng kanilang yumaong ina. Hindi rin daw ipinaalam ni Ian sa kanila ni Lotlot ang tungkol sa Nora Aunor Enterprise and Foundation.
“Baka po ‘yung dalawang boys, alam nila. But kami ni Ate, definitely wala po,” diin ni Matet.
Tungkol naman sa magkahiwalay na misa noong first death anniversary ni Nora, hindi raw kasi handa sina Matet, Lotlot at Kenneth de Leon na humarap sa mga tao.
“Because alam po ‘yan ng mga anak ko, asawa ko. I’m sorry, ha, live po tayo. Pero lagi po akong nakainom,” pag-amin ni Matet.
Pagkaraan daw ng isa o dalawang linggo, nagparating na si Ian ng mensahe sa kanila.
“Na ‘Baka puwedeng, gusto n’yo?’ Parang ganu’n. ‘Gusto n’yo, dito na lang?’ Ang reason po namin, ‘di pa kami handang humarap sa mga tao,” sabi ni Matet.
Ipinaliwanag din ni Matet ang kanyang post na ‘ngiti ng mga ampon na walang mana’.
Aniya, “Eh, ‘yun naman po ang sinasabi ng mga tao, na ‘Wala kayong mana. Na wala kayong karapatang pamanahan.’ Laging ganu’n.
“‘Ah, mabuti nga parang ano, eh, mabuti nga, inampon pa kayo. Eh, ‘yung oras na para kay Ian, ibinigay pa sa inyo. Kaagaw na kayo ni Ian buong buhay n’ya. Maging masaya na kayo na binihisan, pinag-aral at pinakain na kayo.’
“So, du’n po, kumulo ako. As if we’re not thankful or grateful for her. I’m here with you, talking to you, Tito Boy, because of my mom. I am Matet because of my mother. So, I’m grateful.
“Eh, sila, parang puro mana po ang nasa isip ng mga tao, ‘di ba?”
Dinepensahan din ni Matet ang sarili sa naging pahayag niya na “walang mana pero mayaman sa bastusan” sa social media.
“Lagi kaming inaano ng mga tao, mana, mana, mana. ‘Di po nila iniisip na ‘di naman po isang taon ang pagluluksa. ‘Di po one year ‘yan, tuluy-tuloy,” lahad ni Matet.
Kasunod nito ang pag-iyak ni Matet at pakiusap na respetuhin sila.
“Ayoko pong umiyak dito kasi matutuwa na naman ‘yung mga ano. Pero respetuhin ninyo naman kami kasi inaalala pa namin si Mommy. ‘Di po namin iniisip ‘yang mana na ‘yan. Wala kaming hinihingi, wala kaming kine–claim.
“Sorry po. Ayoko talagang umiyak dito. Ang ganda ko, ‘noh? But please respect us. Not just me but my brothers too. Because tinawag na kaming ‘call boy’ at ‘call girl’. ‘Kung ‘di kayo kinuha ni Nora Aunor, malamang call girl, call boy.’
“You see, Mommy would be happy kung buhay s’ya na nalalaman n’ya na sinasabi n’yo ‘yan?
“Ako, okay lang ako. Kasi Tito Boy, ‘di po mga artista ang mga kapatid ko,” litanya pa niya.
Sa huli, ini-reveal ni Matet de Leon na mayroon silang hindi pagkakaintindihan ni Ian de Leon.




Comments