top of page
Toni Talks - Bongbong Marcos Interview.jpg

Menor-de-edad, sapul sa ligaw na bala... Biyudo niratrat ng riding-in-tandem, utas

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 20, 2026



Menor-de-edad, sapul sa ligaw na bala... Biyudo niratrat ng riding-in-tandem, utas

Photo: File



Patay ang isang 44-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isang menor-de-edad makaraan ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 18.


Kinilala ang nasawing biktima na si Akmad Adam Kasan, biyudo at residente ng Brgy. Bulalo Extension.


Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang kumakain ng meryenda ang biktima sa tabi ng isang tindahan nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Agad umanong nilapitan at pinagbabaril ng mga suspek si Kasan bago tumakas.


Tinamaan din ng ligaw na bala ang isang menor-de-edad na kinilala lamang sa alyas na Princess, na nasa loob ng naturang establisimyento nang mangyari ang insidente.

Narekober ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala na hinihinalang mula sa kalibre 9mm na baril.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mahuli ang mga salarin. Inaalam pa rin ang motibo sa pamamaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page