Mega-yaman talaga… P100 THOU ISANG ASO PA LANG NI SHARON!
- BULGAR
- Apr 18, 2021
- 1 min read
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 18, 2021

Puro imported at may breed ang mga alagang aso ni Megastar Sharon Cuneta. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na gumagastos siya nang malaki sa mga accessories ng kanyang mga pet dogs.
May isang aso nga si Sharon na paboritung-paborito niya. Isa itong giant silver poodle na nagkakahalaga ng P100 thousand!
Sulit na sulit naman ito kung tutuusin dahil sobrang malambing ang aso at napapasaya niya si Mega.
Ang mga pet dogs ang madalas na nakakasama-nakakalaro ni Shawie dahil malalaki na ang kanyang mga anak. At ang kanyang fur babies na lang ang kanyang pinagkakalibangan sa panahon ng pandemya.





Comments