Mega Sharon, ano’ng sey mo? MOVIE NINA VILMA AT BOYET, SURE NANG NO. 1 SA MMFF 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 28, 2023

Hindi ang heavy drama acting ni Star for All Seasons Vilma Santos ang mapapanood sa kanyang Metro Manila Filmfest 2023 entry na When I Met You In Tokyo katambal ang kanyang perennial love team noon na si Christopher de Leon.
Kung ine-expect ng mga Vilmanians na paiiyakin na naman sila nang bongga ni Ate Vi sa kanyang bagong movie, ayon sa magaling na aktres ay very light lang at good vibes ang hatid ng When I Met You In Tokyo dahil ang gusto nila ay ma-in love ang mga manonood sa Kapaskuhan at lumabas sa sinehan na magaan ang pakiramdam at masaya.
Kaya ayun nga, mukhang maraming mapapa-flashback sa tambalang Vilma-Boyet sa kanilang reunion movie, though ibang-iba ang approach nila rito sa When I Met You in Tokyo na mula sa JG Productions nina Ms. Rowena Jamaji at Mr. Rajan Gidwani.
Dito, sa kabila ng kanilang edad, magpapakilig ang tambalang Vilma-Boyet na tiyak na ikatutuwa ng mga OFWs dahil OFWs din sa Japan ang role ng mga karakter nila.
Kaya naman ayon kay OWWA Admin Arnell Ignacio, ‘yun ang dahilan kaya sinuportahan nila ang movie at nag-pledge sila ng 20 block screenings na aabot daw sa P10 M ang budget, dahil tungkol nga ito sa buhay ng mga OFWs, at ‘yung one-liner ni Ate Vi sa pelikula about OWWA ay malaking tulong daw sa promosyon ng ahensiyang pinamumunuan ni Arnelli.
Tinanong namin si Ate Vi sa presscon kung ano’ng feeling na among the 30 entries, movie nila ni Boyet ang nakapasok, samantalang hindi pinalad sina Superstar Nora Aunor (Pieta) at Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes). Magandang labanan sana kung ang apat na haligi ng industriya ay magsasalpukan sa takilya sa MMFF 2023.
Ayon kay Ate Vi, hindi naman nila kontrolado ang mga entries na papasok lalo’t may screening committee na namimili, although mas maganda nga raw sana kung sabay-sabay silang nakapasok nina Ate Guy, Megastar Sharon Cuneta (A Mother and Son’s Story) and Marya.
Asked din namin si Ate Vi kung sino kaya sa tingin niya sa 9 pang official entries ng MMFF ang makakalaban nila sa box office at tulad ng pagkakakilala namin kay Ate Vi na ayaw ng gulo at positive vibes lang lagi, umiwas na lang ito sa pang-iintriga namin.
Aniya, sa edad niya ngayon, ayaw na raw niya ng stress at tensiyon, kaya naiintindihan namin na hindi niya sinagot ang tanong para wala na ring magdamdam at magtampo sa kanya, lalo’t mas maganda nga naman ang healthy competition.
Pero ano kaya ang mararamdaman ng mga ibang stars na may kani-kanya ring entries sa MMFF 2023 tulad nina Megastar Sharon at Alden Richards, Marian Rivera at Dingdong Dantes, Pokwang at Eugene Domingo, Piolo Pascual among others na llamado na ang movie nina Ate Vi at Sir Boyet sa pagiging Top 1 with the 20 sure block screenings na sponsored ng OWWA?
Ah, basta kami, tulad ni Ate Vi, wish naming bumalik na nga ang sigla ng MMFF tuwing December at sumugod na uli ang mga tao sa mga sinehan para panoorin ang 10 official entries ng filmfest.
Anyway, ang When I Met You In Tokyo ay mula sa direksiyon ng mga dating TV pero ngayon ay movie directors na ring sina Rado Peru at Rommel Penesa.
Ang GMA-7 executive namang si Ma’m Redgie Magno ang naging ‘key’ para mabuo ang konsepto ng movie at mapagsamang muli sina Ate Vi at Boyet.
Palabas na ang When I Met You in Tokyo sa December 25, 2023 at kasama rin sa pelikula ang tambalan nina Cassy Legaspi at Darren, Kakai Bautista, Gabby Eigenmann, John Gabriel, Jacky Woo, Lotlot de Leon at Ms. Gina Alajar.





Comments