top of page

Mega, kaya nai-stress? FRIENDS NI SHARON, AYAW BUMILI NG TIKET SA CONCERT NILA NI GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 27, 2023



Masaya ang IG Live nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na birthday treat ng mag-asawa sa kanilang mga supporters.


Birthday ni Kiko noong August 24 at 60 years old na siya kaya senior na.


Nakakatuwa ang mga comments na discounted na si Kiko sa grocery, sa resto at sa medicines.


Nag-dinner date sina Sharon at Kiko, single date raw nila na matagal na nilang hindi ginagawa.


May mga tanong ang fans na sinagot ng mag-asawa, pero ‘yung mga hindi nabasa, gaya ng tanong kay Kiko kung manonood siya sa Dear Heart concert nina Sharon at Gabby Concepcion ay hindi nasagot.


May nabanggit si Kiko na ayaw kumain ni Sharon, kaya pinilit nilang kumain.


Ayon naman kay Mega, hindi siya makakain dahil nai-stress siya. “May nagpapa-stress sa akin,” ang sabi lang ni Sharon at hindi na nag-elaborate.


Ang hula ng mga fans, baka ‘yung maraming nanghingi ng complimentary ticket sa concert nila ni Gabby ang nagpa-stress kay Sharon. Kung bibigyan nga naman niya ang lahat, wala nang kikitain ang producer.


Comment nga ng mga fans na bumili ng tiket, bakit daw sila, bumili kahit mahal masuportahan lang sina Sharon at Gabby. Pero bakit ‘yung mga kaibigan at kakilala ni Sharon na for sure, afford bumili ngP18k+ tickets, ayaw bumili at gusto ng compli?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page