McGregor, ibabalik ang sampal ng UFC kontra Youtuber Paul
- BULGAR
- Dec 30, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | December 30, 2021

Inaasahang kikita sa takilya ang ikinakasang laban sa pagitan nina Youtuber star Jake Paul at Conor McGregor bukod pa sa maibabangon nito ng puri ang mga natalong MMA fighter sakaling manalo ito sa laban.
Matatandaang pinatulog ni Paul si MMA fighter Tyrone Woodley sa pamamagitan ng isang suntok sa laban nila nitong nakaraang weekend sa Florida.
Ayon kay Paul, ang kanyang ipinalasap na KO kay Woodley ay isang sampal sa UFC, pero maari umanong gumanti si two-weight UFC champion McGregor kung maikakasa ang laban kontra sa Youtube star na naging boxer. “Ito ay kikita ng napakaraming pera kahit katawa-tawa ang laban, ” ayon sa isang kritiko. “Mayroon kang dalawang lalaki na may sariling fans, siguradong kaabang-abang ito.”
Ang 24-anyos na si Paul ay napaka-vocal tungkol sa umano’y mahihinang tuhod ng MMA fighters na kanyang nakakasagupa, dahil bago pa man ang kanyang 6th round knockout, napabagsak muna niya si Woodley. Pero kahit natalo si Woodley ay tumanggap ito ng malaking bayad. Wala umanong sisi kay McGregor kung gusto nitong makipaglaban kay Paul para sa pera habang kaya pa nitong lumaban.
Samantala, mapapanood na ang reality TV series ng The Apprentice: ONE Championship Edition sa Netflix sa 150 mga bansa sa unang quarter ng 2022.
Inanunsiyo ito ni Chatri Sityodtong, Chairman at CEO ng ONE dahil sa tagumpay ng nagdaang edisyon, palalawakin na ang viewership sa pinaka-astig at unique na bersiyon ng TV program. "I am truly honored for all the support we have received for the show, and I’m excited to premiere the series to a broader audience."
Napagwagian ng The Apprentice ang dalawang major awards sa Asian Academy Creative Awards 2021 (AAA). Umangat ito sa kategorya ng “Best Non-Scripted Entertainment” at “Best Adaptation of an Existing Format.”





Comments