McCullough ng TNT kumulo para hatakin sa Game 7 ang finals vs. Gin Kings
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
by Anthony Servinio @Sports News | June 15, 2026

Laro sa Miyerkules - MOA 7:30 PM Ginebra vs. TNT
Kumulo ng todo si Chris McCullough upang pamunuan ang 98-90 panalo ng defending champion TNT Tropang 5G sa Barangay Ginebra Linggo ng gabi sa punong Araneta Coliseum. Maghahanda na para sa winner-take-all Game Seven ngayong Miyerkules sa MOA.
Buong gabi bwenas si McCullough at first half pa lang ay double-double na siya na 20 puntos at 13 rebound para kumapit sa 45-43 bentahe. Nanatiling dikit ang laro lalo nang sumapit ang huling anim na minuto.
Naagaw ang Gin Kings ang lamang, 80-78, sa likod nina Nard Pinto at Justin Brownlee. Sinagot ito ng lima pang puntos si McCullough at isa pang buslo ni Kelly Williams para ibalik ang bentahe, 85-80.
May huling hirit si McCullough at bumira ng four-points, 94-86, at dalawang minuto sa orasan. Mula doon ay nagpalitan lang ng shoot ang mga koponan na tinuldukan ng mga free throw ni Jordan Heading para sa huling talaan.
Halimaw si McCullough na nagtapos na may 54 at 22 rebound sa 45 minuto . Sumuporta sina Heading na may 19 at Roger Pogoy na may 13. Pinabayaang si Brownlee na nagbagsak ng 52 at kabuuang 21 segundo sa 48 minuto ang kanyang pahinga.
Walang kakampi ang naka-10 at siyam lang si Troy Rosario. Bunga ng resulta, titingnan pa kung makakalaro sa Miyerkules sina Calvin Oftana at Brandon Ganuelas-Rosser na sabay lumiban. Napilay ang dalawa noong Game Five na nakuha ng Gins sa overtime, 100-95, noong Biyernes.





Comments