top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MCCOY, NAGSALITA NA SA PAGBAWAL SA KANYANG UM-ATTEND SA PRESSCON NG MOVIE NI ISKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 27, 2021



Dumalo ang celebrity couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon sa 50th birthday celebration ng kilalang skin care clinic owner na si Cathy Valencia sa Manila House Private Club, Inc. sa Taguig City last Wednesday.


Endorsers din kasi ang celeb couple ng CV Skin Care Clinic.


Sa nabanggit na event ay nakatsikahan namin sina Elisse at McCoy. Looking forward na sila sa darating na Christmas and New Year celebration.


Bagama't simple lang ang paghahandang gagawin nila, magiging memorable raw ito dahil sa unica hija nilang si Felize.


“First time namin kasi dati kapag Christmas, nasa Guam si Elisse. This time, para sa amin, memorable ito. Magastos. Hahaha! Talaga. Pero sulit naman kasi special na araw na ‘to sa mga importanteng tao sa buhay ko,” lahad ni McCoy.


Pagkatapos ay ‘di na kami nagpatumpik-tumpik pa sa pagtatanong kay McCoy tungkol sa naulinigan namin if true na hindi siya pinayagang um-attend sa presscon ng Yorme: The Francisco "Isko Moreno" Domagoso Story na produced ng Saranggola Media Productions.


Isa kasi si McCoy sa mga gumanap sa pelikula bilang si Manila Mayor Isko Moreno.


“Actually, pumayag ako. Hindi ako nag-deny. Kasi ‘yun nga lang, napakagulo ngayon. ‘Di ba, sobrang kahit ano’ng masabi mo, puwedeng maging isyu?


“Sa akin naman, nandoon ako para sa proyekto, ‘di ba?


“Napakaganda ng istorya, musical pa siya. First time ko sa isang musical film.


“Sana, gusto ko naman, uh, siyempre, ipo-promote ko. Lumabas ako doon as an actor.


“Saka, gusto ko, ma-curious naman ‘yung tao. Saka, sa naghirap, sa producer ko, si Ms. Edith (Fider), si Direk Joven (Tan, director), ‘yung mga naghirap, ang pangit kung kelan ipapalabas, doon wala ako,” paliwanag ni McCoy.


May mga nakapanood na mula sa entertainment press ng Yorme and unanimously, nagalingan sila sa ibinigay na performance ni McCoy as Mayor Isko.


Feeling ng iba, pareho raw kasing lumaki sa Tondo sina Mayor Isko at McCoy kaya malalim ang hugot niya sa pag-arte sa Yorme.


“Hindi po,” tanggi niya.


“Kasi…Ewan ko ba paano mae-explain ‘yun. Basta nag-shoot kami doon. Doon mismo sa Tondo. Kaya feel na feel ko at tsk, sorry lang.


“'Yung sorry talaga, ha? ‘Yung paramg imposibleng mangarap pero nangyari. Totoo pala ‘yun.


“Sabi ko nga kay Elisse, ang sarap gumawa ng biography film kasi may ibang tao ka na ginagampanan. And, wala lang, sana totoo,” sabi pa ni McCoy.


Showing na sa mga sinehan on December 1 ang Yorme: The Francisco "Isko Moreno" Domagoso Story.


Kasama rin sa movie sina Xian Lim, Raikko Mateo, Ramon Christopher Gutierrez, Tina Paner, Janno Gibbs at marami pang iba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page