top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mayweather vs. Belhasa February exhibition fight

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
2 min read

ni MC - @Sports | January 07, 2022





Masasalang si Floyd Mayweather sa isang exhibition fight sa Peb. 20 na idaraos sa helipad top ng Burj Al Hotel sa Dubai laban sa hindi pa napapangalanang kasagupa, ayon sa ulat ng Boxing Junkie.


Sasampa na sa edad na 45 ang Hall of Fame boxer, apat na araw matapos ang laban at target niyang makalaban si YouTuber Reshad 'Money Kicks' Belhasa, ayon sa media reports.


Nagretiro si Mayweather noong 2015 pero nagbalik sa ibabaw ng lona upang talunin si Conor McGregor noong 2017 at napag-ibayo niya ang kanyang professional record sa 50-0.


Ang kamakailan niyang laban ay isang exhibition bout nong Hunyo kontra kay YouTuber-turned boxer Logan Paul na nagtapos sa tie ang kanilang laban. "It's going to be a very special crowd, not too many people," saad ni Mayweather. "So if you get the chance to come here, you must know, you're very, very special for this event."


Samantala, maraming ginulat si UFC MMA fighter Conor McGregor nang biglang lumaki ang katawan nito maging ang kanyang training partner.


Mula pa noong Hulyo 2021 ay wala sa sirkulasyon ng octagon ang Irishman. Kasabay ng kanyang pagpapagaling at rehabilitation ay unt-unti niyang pinaigting ang kanyang training sessions.


Una siyang napasabak sa strenght training, lalo na at limitado siya sa mga galaw habang pinagagaling ang pilay. Nadagdagan ng timbang si McGregor at sabi niya ay umabot siya sa 190 lbs, mula sa 135 lbs.


Pero nang makita siya sa kanyang Instagram post, ang dating two-weight UFC champion ay nagpakita ng kanyang mas lumaking mga masel.


Nagkomento pa ang kanyang SBG team-mate at regular sparring partner na si Cian Cowley: "Steak and eggs the size of you." Nasundan pa ng isang fan ang komento na, "Heavyweight champ next?" Isa pang nagkomento ng "Heavyweight champion??


Ngannou stands no chance."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page