Mayweather, naaawa raw kay Pacman dahil lumalaban pa
ni MC - @Sports | June 09. 2021

Yakyak na naman ng mamang itim na kahit matanda na raw ay lumalaban pa ang Pinoy! Iyan na naman ang talsik laway niyang komento matapos ang exhibition fight kontra kay YouTuber Logan Paul, nagsalita si Floyd Mayweather Jr. kaugnay sa nakatakdang laban ng kanyang dating kasagupang si eight division world champion Manny Pacquiao.
Sa kanyang post-fight press conference, nagkomento ang 44-year-old American kaugnay sa pagsagupa ni Pacman sa professional bouts sa edad na 42. Nakatakdang sumagupa ang eight-division champion kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. sa August 21 sa hindi pa inaanunsiyong venue. "When I come and do an exhibition, come out boxing have some fun, I do it because I wanna do it not 'cause I have to do it," ani Mayweather. "Whereas, Pacquiao at his age, which is sad that he has to fight. I'm financially set and I want everybody to know this," dagdag pa nito. Ayon sa kilalang aroganteng magsalitang si Floyd, na maayos na ang kanyang buhay at nagpapasalamat ito sa naipundar niyang properties at investments. "I'm well off. Every property that I have is paid for, my jet is paid for, and all my cars are paid for," wika nito.
Ayon sa ulat, ang Filipino legend ay may net worth na P3.17 billion base sa kanyang 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Siya ang pangalawang pinakamayamang Senador sa Pilipinas. Nagsagupa sina Pacquiao at Mayweather noong 2015 na labang itinuturing na "Fight of the Century." Nagwagi ang Kano sa laban via unanimous decision.





Comments