top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mayweather, muntik nang talunin ni Paul Logan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | June 08, 2021




Nabigong gulpihin o pabagsakin man lang ni undefeated world champion Floyd Mayweather Jr. ang kalabang si YouTube sensation Paul Logan sa kanilang 8th round exhibition match na ginanap sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida.


Maaaring nanalo sa dami ng suntok si Floyd pero mas nag-celebrate ang kampo ni Logan dahil morally ito ang nanalo sa laban matapos nitong malusutan sa loob ng 8 rounds ang mabangis na legendary fighter na si Mayweather. Base sa record, 43 punches ang naipatama ni Mayweather kontra sa 23 na naipasok nang hapong-hapo na si Logan. Aminado si Floyd na apektado na ng kanyang edad ang kanyang laro at pinuri nito si Logan dahil nagawa umano siyang talian nito sa laban upang hindi makasuntok.


Pagpasok ng 4th round ay halatang lumalaban na lang si Logan para maka-survive kada-round at kitang kita na pagod-na-pagod na ito at hindi halos makasuntok o itaas man lang ang kanyang gloves para protektahan ang kanyang mukha sa suntok ng kalabang si Floyd dahil sa sobrang pagod. Marami naman ang nadismaya dahil inaasahan nilang patutulugin ni Floyd, na naging agresibo pagpasok ng 4th round, si Logan pero nabigo ito sa kabila na nakapagpatama ito ng ilang solidong suntok sa mukha ng social media star.


Sa post-game interview, nag-hint pa si Logan na baka magkaroon pa sila ni Mayweather na 2nd fight at nangako ito mas pag-iigihan ang ensayo upang matalo ang undefeated boxer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page