top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mayroon bang Service Incentive Leave ang isang kasambahay?

BULGAR
Apr 6, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 6, 2022



Dear Chief Acosta,

Mayroon po akong kasambahay. Nais ko po sanang malaman kung mayroong service incentive leave ang aking kasambahay. Bukod pa po rito, kung sakali man na hindi niya ito gamitin, maaari ba itong maipon para sa mga susunod na taon at gawing cash na lamang?

Kriz


Dear Kriz,

Ang sagot sa inyong unang katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 29 ng Republic Act No. 10361, o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act" o "Batas Kasambahay,” na ang isang domestic worker o kasambahay na nakapagbigay ng hindi bababa sa isang (1) taon ng serbisyo ay may karapatan sa taunang limang (5) araw na Service Incentive Leave (“SIL”), viz:

“Section 29. Leave Benefits. – A domestic worker who has rendered at least one (1) year of service shall be entitled to an annual service incentive leave of five (5) days with pay: Provided, That any unused portion of said annual leave shall not be cumulative or carried over to the succeeding years. Unused leaves shall not be convertible to cash.” (Binigyang-diin)

Ganunpaman, kaugnay sa nabanggit na batas, bagaman may karapatan ang isang kasambahay sa SIL, hindi ito maaaring mapalitan ng cash equivalent kung sakaling hindi magamit sa nasabing taon ng isang kasambahay. Bukod pa rito, hindi rin ito naiipon at naidaragdag sa mga susunod na taon.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page