top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

MAYOR LANI, NAPAIYAK NANG MAG-GUEST SA EAT… BULAGA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2020
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 26, 2020




Si Mayor Lani Mercado ng Bacoor, Cavite ang guest nu’ng Sabado sa Bawal Judgmental segment ng Eat… Bulaga!.


Hindi napigilan ni Mayora ang mapaluha habang naririnig ang bawat kuwento ng mga contestants na napili niya sa game.


Ang tanong kasi ni Bossing Vic Sotto kay Mayor Lani ay kung sinu-sino ang may mga magulang na may psychiatric conditions sa loob ng 18 taon o higit pa.


Maselan para sa mga contestants ng Bawal Judgmental, pero bago inumpisahan ang game ay nagbigay muna ng babala si Bossing Vic.


“Ginagawa natin ito para mapag-usapan at mas maintindihan ang mga psychiatric health issues bilang pakikiisa na rin sa nakaraang World Mental Health Day,” sabi ng main host ng EB!.


Dagdag pa ni Bossing, karamihan daw kasi ng mga tao ay nagsa-suffer ng mental illness at maging buong pamilya ay naaapektuhan na rin.


Nang marinig ni Mayor Lani ang mga kuwento, sabi niya kay Bossing Vic, “Bossing, nakakaiyak na.”


Pero, hindi lang naman si Mayora ang naiyak kundi maging si Bossing.


Idinaan na lang ni Bossing sa biro ang pag-e-explain hinggil sa mga may mental illness para hindi tuluyang bumagsak ang kanyang luha.


"Umuulan ba sa labas? 'Di naman bukas 'yung bintana pero may anggi, eh,” hirit ni Bossing Vic.


Maging si Jose Manalo ay sumundot na rin ng biro dahil tutulo na rin daw ang kanyang luha.


“Ang lakas ng aircon na tumatama sa mga mata namin,” sabi ng komedyante.


Nang matapos ang segment, nagbigay ng advice ang mayor-actress at misis ni Senator Bong Revilla, Jr. na panatilihing malakas, matibay at laging masaya ang ating buhay dahil nakatutulong daw ito sa ating mga nararamdaman.


Pagbabahagi pa ni Mayor Lani, “When my mom was still alive, she had Alzheimer’s and dementia. So, kailangan, matibay lang kayo. Malaking bagay na may mga kapatid kayong umaalalay at tumutulong sa inyo. At saka, trabaho lang, trabaho lang.”


Dagdag pa ng Bacoor mayor, "Tatag lang, tibay lang, 'yun ang importante, and stay happy."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page