ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 30, 2023
Si former Senator Kiko Pangilinan na ang bagong social media influencer ng Cuneta-Pangilinan household.
Mula nang naging private citizen kasi ang mister ni Megastar Sharon Cuneta pagkatapos ng dalawang termino sa Senado, kinarir niya ang social media upang ituloy ang mga advocacies niya sa pagsasaka, paghahalaman at food security.
Ang pag-level-up ni Senator Kiko ay bunga na rin ng popularity ng Hello Pagkain, Goodbye Gutom segment sa kanyang Facebook, Instagram at TikTok accounts.
Dito ay nagbabahagi siya ng mga tips tungkol sa farming, latest trends sa pag-aalaga ng mga halaman for the plantitos and plantitas, at mga pamamaraan kung paano madaragdagan ng kita ang mga magsasaka at mga gusto pang sumabak sa farming.
Sa ngayon, may mahigit nang 6.1 million likers ang senador at halos 250,000 na followers sa kanyang TikTok account. Ang Kiko Pangilinan Facebook account naman ay may 1 million followers, samantalang sa Instagram ay may halos 250,000 followers na siya.
Humahabol siya sa kanyang misis na may 1.6 million followers sa IG, anak na si Frankie na may mahigit 322,000 followers, si Miel naman na may 27.5 thousand followers, at stepdaughter na si KC Concepcion na may 4 million followers.
Ang biro nga ngayon sa kanila, "The family that social media together, stays together."
Comments