May taning na 5 yrs., 2 yrs. nang lumalaban… KRIS, UMAMING LEVEL 3 NA ANG SAKIT

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 3, 2024

Para kay Kris Aquino, blessing na buhay pa siya hanggang ngayon at aminadong kung hindi siya nagpunta sa Amerika para magpagamot, who knows kung ano na ang nangyari sa kanya.
“When I was told about my sickness kasi, nandu’n na ako sa level 3 which is the last stage. I really thought na ‘Oh, I probably have less than 1 year,’” kuwento niya sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.
“So, the fact na this is now year 2, and nagka-progress na, kasi Ogie, ‘yung life expectancy, less than 5 years and late diagnosis ako. So, kung tutuusin, nu’ng na-diagnose ako, 4 years to go na lang.
“So, naka-2 years na ako. So, kung iisipin mo, may 2 years na lang. Pero kahit paano, napigil nila ‘yung progression,” patuloy niya.
“So, I’m very grateful na buhay pa ‘ko,” sambit pa niya.
Kaya naman ganu’n na lang ang pasasalamat niya sa lahat ng nagdarasal para sa kanya dahil alam niyang napakalaking bagay nito. Tinutupad din daw niya ang pangako niya sa kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby na lalaban siya hanggang sa makakaya niya.
“‘Yung dalawang anak ko, they only have me. Of course, my sisters are there, pero wala silang ibang maaasahan. Ang alam ko, they still need their mom, so that’s why, tiniis ko lahat,” aniya.
Sa ngayon ay may lima nang autoimmune diseases si Kris na ang huli ay ang lupus na diagnose sa kanya early this year.
“Ang ina-affect ng lupus kasi, suwerte ako, not my kidneys, pero it can also damage the heart, so ‘yun ang inaasikaso namin ngayon,” saad ni Kris.
Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban, nananatiling matibay na matibay ang pananalig ni Kris Aquino sa Panginoon at umaasa siyang bubuti rin ang kanyang kondisyon para makauwi na siya sa ‘Pinas bago matapos ang taon.
Isa rin si Sharon Cuneta sa mga labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng veteran actor-director na si Manny Castañeda.
Sa kanyang Instagram page ay nagbigay ng madamdaming pagpupugay si Megastar sa kanyang “Inay Manny” na aniya ay first writer niya sa dati niyang show na The Sharon Cuneta Show.
“On one of the saddest days I have had to live through, I said “Goodbye…” to another dear friend. My “Inay Manny” was my first writer for my show (TSCS) from IBC-13 in 1986 to many years after we moved to ABS-CBN in 1988,” simula ni Shawie.
“We also did movies together. More than having fun and working well with each other, we became friends. Inay Manny was one of those I could trust with my innermost feelings, as well as expect to be comforted by, often ending in fits of laughter. He was loving, kind, witty and smart. I will miss him terribly,” patuloy niya.
Sa huli ay nagpasalamat si Mega sa pumanaw na kaibigan sa lahat ng kanilang pinagsamahan.
“There is a whole novel I could say about him, but this has been another unwelcome punch in the gut. So I will end it here, in this way: I love you, Inay. Thank you for touching my life, doing a great job with me on my show, inspiring me to be better not just at work but as a person. Thank you for your friendship.
“My deepest, sincerest condolences to those he loved and left behind. Hugs especially to his best friend, my Direk Joey Reyes (praying and black heart emoji) @direkjoey,” mensahe ni Sharon Cuneta.





Comments