May sasalo agad, Xian… JAKE, GUSTONG LIGAWAN SI KIM
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 7, 2024

Ready na kayang magmahal uli si Kim Chiu after ng breakup nila ni Xian Lim?
May nakapag-chika kasi sa amin na type pala siyang ligawan ng naging co-star niya sa Linlang series na si Jake Ejercito.
Mukhang matindi raw ang tama ng ex-BF at ama ng anak ni Andi Eigenmann kay Kim dahil imagine, matagal-tagal na ring walang karelasyon si Jake, pero ngayon, gustong ligawan ang ex-GF ni Xian Lim.
Aba, kung saka-sakali, jackpot na si Kim kay Jake dahil bukod sa pagiging loving father, wala namang playboy image ang actor kahit sabihin pang galing ito sa Estrada clan.
Wala ngang ibang na-link nang seryosohan kay Jake mula nang maghiwalay sila ni Andi.
At bukod pa riyan, super rich ng pamilya ni Jake at stable na rin ang actor kaya wala nang dapat alalahanin pa si Kim financial wise.
So, push mo na ‘yan, Jake!!!
Kahit magkano ang TF, matuloy lang…
KATHRYN AT DANIEL, PAGSASAMAHIN SA MOVIE

Bagama’t fresh pa ang breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kung papayag pala ang dalawa ay pangarap silang muling pagsamahin sa isang pelikula ng BG Productions International producer na si Madam Baby Go.
At kahit magkano ang TF ng dalawa, handang tapatan ni Madam Baby basta maganda ang project.
“Malay mo, ‘yun ang maging daan (ng balikan ng dalawa),” kinikilig na sabi ni Madam Baby.
Marami nang nagawang pelikula si Madam Baby na karaniwan ay nananalo pa ng mga awards dito sa atin at sa ibang bansa at maraming big stars na rin sa industriya ang nagbida sa kanyang mga pelikula tulad nina Ai Ai delas Alas, Aiko Melendez, Lovi Poe, Jake Cuenca, Allen Dizon, Barbie Forteza, Polo Ravales at marami pang iba.
Ilan naman sa mga sikat niyang pelikula ang Area at School Service ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Laut ni Barbie Forteza, Lihis nina Lovi Poe, Jake Cuenca at Joem Bascon, Latay nina Allen Dizon at Lovi Poe, at ngayong 2023 ay naka-line-up ang Abenida na pagbibidahan nina Allen Dizon, Katrina Halili at Gina Pareño.
This year din, may balak daw siyang gawing comedy-musical movie na pagbibidahan nina Pilita Corrales, Imelda Papin at Eva Eugenio at excited na raw siya rito dahil maganda ang concept at nakakatawa ang movie.
Paborito naman niya sa lahat ng naging artista niya sina Allen Dizon at Ana Capri. Maganda raw ang attitude ni Allen, mabait, polite at very cooperative. Si Ana naman, masarap daw kasama at hindi mareklamo kaya gustung-gusto rin niya.
May collab movie rin si Madam Baby with Borracho Films producer Atty. Ferdie Topacio, ang One Dinner a Week na pagbibidahan naman nina Edu Manzano at Ritz Azul kasama ang nagbabalik-showbiz na si Barbara Milano.





Comments