May sagot na ang ABAP sa FB post ni Marcial
ni MC - @Sports | May 15, 2021

Naglabas si Olympic-bound boxer Eumir Marcial ng sentimiyento kaugnay sa financial support na tinatanggap ng mga national athletes.
Sa kanyang Facebook post noong Miyerkules, inihayag ni Marcial na hindi umano sapat ang monthly allowance na tinatanggap nito upang tustusan ang kampanya nito sa 2020 Tokyo Olympics. "Since last year when I was in the United States and now I'm in Zamboanga City, do you think a monthly allowance of P43,000 is enough for my preparation for the Olympics?" banat ni Marcial. "Do you think I can rely on P43,000 for plane tickets, accommodation, food, coaching staff, masseur, supplements, etc. Those that I mentioned were provided by private sponsors and of course my own money," dagdag pa nito.
Binira naman ni Marcial ang mga taong wala namang umanong alam patungkol sa sports na manahimik na lang at itikom ang kanilang bibig. "Kung ganyan ang suporta at mentality n'yo, wag kayong maghangad ng gold sa Olympics!" wika nito. "Ngayon ang tanong ko sa sarili ko at tanong ko din sa inyo, mahihina ba kaming mga Pilipinong atleta kung bakit hanggang ngayon walang nakakakuha ng gold sa Olympics o sadyang may problema na ang pagsuporta galing sa inyo?" Nanawagan din si Marcial ng pagkakaisa at pinasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kanyang kampanya sa Olympics.
Agad namang dumepensa ang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) at sinabing hindi umano totoo ang kawalan nila ng suporta sa boksingero. "We have been communicating regularly with Eumir, before he left for the US, while he was in the US, until now he is in Zamboanga. For us, we were taken aback by his statements that there is no support from PSC at ABAP which is completely untrue," ani ABAP secretary general Ed Picson.
"By and large, there's a lot of support, on top of our personal help for him," wika pa ng ABAP chief. "The problem is, I think he is confused with his role as a professional and as a national athlete. We've been giving him advice, but I feel that many people give him advice as well," hirit pa ni Picson. Sa kabila nang hinaing ni Marcial, kumpiyansa si Picson na lalahok ang Olympic-bound Filipino boxer na si Marcial sa training sa Thailand pagkatapos nang laban nito sa Asian Boxing Championships sa Dubai.
Siniguro naman ni PSC Commissioner Mon Fernandez na buo ang suporta ng gobyerno kay Marcial lalo na sa kampanya nito sa Olympic. Ipinaliwanag ng ABAP na tinulungan nila ang boksingero kahit pa delay ang allowance nito bunsod ng COVID-19 pandemic. Isa si Marcial sa walong atleta na kuwalipikado nang lumahok sa Tokyo Games na nakatakda sa Hunyo.





Comments