top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May pera naman daw siya… HEART, 'DI NA KAILANGAN ANG PERMISO NI CHIZ 'PAG BUMIBILI NG MGA LUHO

BULGAR
Mar 27, 2021
1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 27, 2021




Maraming gustong tanungin kay Heart Evangelista ang mga netizens na interesado na malaman ang ilang bagay-bagay sa kanyang buhay. Nagpaunlak naman ang Kapuso actress at game na sinagot ang mga ito.


Isa nga sa mga gustong malaman ng mga followers ni Heart ay kung nagpapaalam ba siya sa mister niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero kapag may gusto siyang bilhin na sobrang mahal na gamit.


Well, honest naman si Heart nang sabihing hindi na siya nagpapaalam pa kay Chiz kung may gustong bilhin. After all, may sarili naman siyang pera at reward na raw niya sa sarili kapag bumibili ng bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Pinaghirapan naman niya ang perang ipinambibili sa mga gusto niya.


Pero lagi ring tinatandaan ni Heart ang advise sa kanya ni Chiz na huwag gaanong gumastos nang malaki para sa kanyang designer's shoes and bags dahil marami na siyang collection.

Isa pa sa mga inamin ni Heart sa kanyang mga fans and supporters ay hindi na raw siya “people pleaser" ngayon. Hindi na siya sobrang nanunuyo sa mga taong ayaw naman sa kanya.


Dati-rati, sa kagustuhan niyang magkaroon ng maraming kaibigan, sobra kung siya ay makisama. At natuklasan na lang niya na hindi naman pala sincere ang mga itinuring niyang kaibigan. Naging malaking leksiyon 'yun para kay Heart kaya hindi na niya ipinipilit ang sarili kung ayaw sa kanya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page