ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 10, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_9e657a833e914a078297f50c0d165886~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_9e657a833e914a078297f50c0d165886~mv2.jpg)
Hindi man natuloy ang planong pag-ere ng programang Wowowin ni Willie Revillame sa IBC-13 at PTV-4, mamimigay naman daw ng pamasko ang host at magla-live streaming ng Wowowin sa Dec. 17, Linggo.
Sa online muna mapapanood ang Wowowin at magpapamudmod siya ng regalong pamasko sa kanyang mga loyal viewers.
Hindi lang mga jackets ang kanyang ipamimigay kundi pati cash, atbp. ayuda.
Sobrang na-miss ni Willie ang kanyang game show. Lagi niyang naaalala ang mga lola at lolo na pumupunta noon sa studio ng Wowowin. At kahit papaano ay gusto ni Revillame na mag-share ng kanyang blessings at mapasaya ang mga tagahanga na naging bahagi ng programang Wowowin.
Wish ng mga loyal fans and supporters ay magkaroon na ng studio ang Wowowin para muli na nilang mapanood si Kuya Willie Revillame. At sana raw, maging maayos na ang lahat ng kanyang naging problema.
Comments