ni Julie Bonifacio @Winner | October 30, 2023

Kinabog ni Dra. Vicki Belo ang mga sikat na fashionistas and influencers sa Paris Fashion Week.
Eksklusibong pinagbuksan si Dra. Vicki ng high-end fashion store na Louis Vuitton sa Paris, France para makapag-shopping.
Ten o’clock in the morning ang opening ng store, pero inagahan nila nang two hours para lang kay Dra. Vicki.
Ipinost ni Dra. Vicki ang kanyang kakaibang karanasan sa LV store on her Instagram account.
Say ni Dra. Vicki, “I was supposed to live my fantasy. I was going to shop alone in Louis Vuitton.
They’re opening it early for me but I’m late!”
One hour late si Dra. Vicki sa kanyang appointment at 8:30 AM sa LV store. Pero pinapasok pa rin siya at nagkaroon pa ng fashion show just for her, hah?
Bago ang fashion show for Dra. Vicki, ipinakilala siya ng LV store’s top brass sa staff at ang tawag sa kanya ay “Madame Belo,” hah?
Para ka bigyan ng ganoon kalaking importansiya, walang dudang isa siya sa top clients ng LV store sa Paris.
Meaning, super-milyones (and in dollars, ‘noh!) ang ginagastos ni Dra. Vicki sa pagsa-shopping niya sa LV store. At malay natin, baka isa na si Dra. Vicki sa mga stockholders ng LV.
Anyway, not just one dream lang daw niya ang natupad that day.
Caption ni Dra. Vicki sa video na ipinost niya sa kanyang Instagram, “Two dreams came true at @louisvuitton-got the whole store to myself and a bonus fashion show just for me.”
Pinatamaan naman ng isang netizen ang nag-post sa comment section sa pag-i-spend ni Dra. Vicki ng kanyang milyones na pera.
“One LV bag can feed several poor families.”
Pero pinutakti siya ng reaksiyon ng ibang IG followers ni Dra. Vicki.
“Her money, her choice. She earned that status.”
“She works hard for her money. So it’s up to her how she spends it!!!”
“For sure Belo already fed thousands before shopping for LV.”
Naman!
Comments