top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

May natutunan daw na leksiyon… KYLINE, SOBRANG HURT KAY KOBE, AYAW MUNANG MAG-BF ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 14, 2026



TEKA NGA - KYLINE, SOBRANG HURT KAY KOBE, AYAW MUNANG MAG-BF ULI-IG _itskylinealcantara & __kokoparas

Photo: IG _itskylinealcantara & __kokoparas



Umamin si Kyline Alcantara sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWB) na wala muna sa isip niya ang muling umibig matapos ang masakit na paghihiwalay nila ni Kobe Paras, kaya mas pinipili niyang mag-focus sa kanyang sarili at career.


Ininda nito nang husto ang kanilang paghihiwalay dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang aktres. 


Hindi raw siya magmamadaling umibig muli dahil sa leksiyong kanyang natutunan sa pag-ibig. Ine-enjoy muna nito ang pagiging single at malaya niyang nagagawa ang lahat ng gusto niya. 


Well, may special guest role si Kyline sa Taskforce Firewall (TF), kung saan muli silang magkikita ni Galo (Miguel Tanfelix), na minsan ay naging bahagi ng kanyang nakaraan.





TOP secret ang inihandang birthday party ng kanyang pamilya para sa ika-80 kaarawan ng producer/director na si Ben Yalung, a.k.a. M7 ng Cine Suerte, Inc..

Awards night ang theme ng nasabing surprise birthday party na may red carpet pa sa lobby ng events place sa 5th floor ng Power Plant Rockwell. 


Ilang buwan na preparasyon iyon ng mga anak ni Ben para sa kanyang espesyal na araw.


Dumating sa party ang ilang artistang nakagawa ng pelikula sa Cine Suerte Films tulad nina Snooky Serna, Rey PJ Abellana, Lloyd Samartino, Lindsay Custodio, Rez Cortez, Leo Martinez at Epy Quizon. Naroon din si Giselle Sanchez na naging kaibigan ni Ben sa Oasis of Love.


Mahigit 10 taon na naming hindi nakikita at nakakausap si M7 mula nang tumigil siya pansamantala sa pagpo-produce ng pelikula. Ilan sa mga nagawa at naidirek ni Ben Yalung ay ang Partida na pinagbidahan ni Fernando Poe, Jr.. Si Bong Revilla, Jr. ay dalawa ang nagawa sa Cine Suerte, ang Target: Sparrow Unit (Sparrow Unit: The Termination Squad) at Moises Platon (MP)


Si Sen. Lito Lapid ay nagbida naman sa Jones Bridge Massacre (JBM), samantalang si Phillip Salvador ay nagbida sa Cain at Abel (CAA) at Kumander Dante (KD)


Si Christopher de Leon ay lumabas sa Ama Namin (AM) at Divine Mercy sa Buhay ni Sister Faustina (DMSBNSF). Maging si Ace Vergel ay nakagawa rin ng pelikula na idinirek ni Ben Yalung, ang Basag ang Pula (BAP).


Tumatak naman sa publiko ang pelikulang Zuma na pinagbidahan nina Max Laurel, Snooky Serna, at Rey PJ Abellana. 


Kuwento ni Ben Yalung, one year in the making noon ang Zuma at Zuma II dahil wala pang modern animation noong mga panahong iyon.


Ngayon, muling magbabalik sa pagpo-produce ang Cine Suerte ni Ben. Nakatakda nilang gawin ang Teresing at ang biopic ni Archbishop Teofilo Camomot ng Cebu, na kasalukuyang nasa landas tungo sa pagiging santo. 


Well, mahal siya ng kanyang mga artista dahil napakabait at generous ni Ben Yalung. Patuloy siyang magpo-produce ng mga pelikulang stories of faith ang tema.





PASOK na sa afternoon soap na Born to Shine (BTS) si Golden Cañedo dahil swak sa kanya ang role. Dito niya magagamit ang kanyang talento sa pagkanta. 


Ilang taon siyang huminto sa showbiz matapos magwagi sa talent search show ng GMA-7 na The Clash (TC). Mas binigyan niya ng prayoridad ang kanyang pag-aaral at ngayon ay isa na siyang ganap na nurse.


Hindi pinanghinayangan ni Golden ang mga oportunidad na kanyang pinalampas. Nanaig ang kagustuhan niyang makatapos sa pag-aaral. 


At nang maka-graduate siya sa kolehiyo ay saka niya binalikan ang kanyang singing career.


Thankful si Golden na tinanggap pa rin siya ng GMA-7 at binigyan ng mga proyekto. Madalas siyang mag-perform sa programang All-Out Sundays (AOS) at ngayon ay isinama sa seryeng BTS


Handang-handa na si Golden sa kanyang journey na makabalik at makilalang muli sa larangan ng pagkanta. Inihahalintulad siya ng marami kay Sarah Geronimo.





MARAMI ang naaaliw sa mga eksena nina Max Collins at Shuvee Etrata sa seryeng The Master Cutter (TMC). Bongga ang akting ni Shuvee na ang motibo ay pagselosin si Max at umarteng siya ang girlfriend ni Atoy (Dingdong Dantes). 


Lumalabas ang natural na pagiging kikay ni Shuvee. Swak din ang mga eksena nila ni Jo Berry.


Well, marami ang bumibilib sa husay umarte ng child actress na si Siena Stevens, ang gumaganap na Ibyang, na lumaki sa bahay-ampunan. Astig at madiskarte ito.


Nakatagpo siya ng pamilyang nagmahal at kumupkop sa kanya sa piling ni Atoy.

Relate na relate si Dingdong sa mga eksena nila ni Siena dahil halos kasing-edad ito ng anak niyang si Zia. Nakikita niya kay Ibyang ang isang batang nangangailangan ng kalinga at pagmamahal. 


Kaya, maraming viewers ang nagaganyak na panoorin ang action-drama dahil pampamilya ang tema nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page