May “K” pa rin ang asawa sa mga anak kahit nahatulan ng adultery
- BULGAR
- Apr 20, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 20, 2021
Dear Chief Acosta,
Nais kong sampahan ng kasong adultery ang aking asawa sapagkat sumama siya sa ibang lalaki noong ako ay nagtrabaho sa ibang bansa. Ang masakit pa nito, kaibigan at kumpare ko pa ang lalaki. Naiwan sa aking pangangalaga ang dalawa naming maliliit na anak. Hindi na rin nakipag-ugnayan ang aking asawa mula noong umalis siya sa aming bahay. Kung sakali bang manalo ako sa kaso, mawawalan na ba siya ng parental authority sa aming mga anak? – Orly
Dear Orly,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay ipinaliwanag ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ni Virgilio Maquilan vs. Dita Maquilan (G.R. No. 155409, 8 June 2007, Ponente: Honorable former Associate Justice Maria Alicia Austria-Martinez), kung saan nakasaad na:
“The conviction of adultery does not carry the accessory of civil interdiction. Article 34 of the Revised Penal Code provides for the consequences of civil interdiction:
Art. 34. Civil Interdiction. – Civil interdiction shall deprive the offender during the time of his sentence of the rights of parental authority, or guardianship, either as to the person or property of any ward, of marital authority, of the right to manage his property and of the right to dispose of such property by any act or any conveyance inter vivos.
Under Article 333 of the same Code, the penalty for adultery is prision correccional in its medium and maximum periods. Article 333 should be read with Article 43 of the same Code. The latter provides:
Art. 43. Prision correccional – Its accessory penalties. – The penalty of prision correccional shall carry with it that of suspension from public office, from the right to follow a profession or calling, and that of perpetual special disqualification from the right of suffrage, if the duration of said imprisonment shall exceed eighteen months. The offender shall suffer the disqualification provided in this article although pardoned as to the principal penalty, unless the same shall have been expressly remitted in the pardon.”
Ayon sa nasabing desisyon, hindi kasama sa mga parusa sa krimen ng adultery ang accessory penalty of civil interdiction na siyang nagtatanggal ng mga karapatan sa nagkasalang asawa kabilang ang pagkakatanggal ng parental authority sa kanyang anak. Samakatwid, magpapatuloy ang karapatan ng inyong asawa sa inyong mga anak kahit pa siya ay hatulang nagkasala ng krimeng adultery maliban na lamang kung mayroon pang ibang dahilan upang tanggalin ang karapatang ito sa kaniya alinsunod sa mga grounds na nakasaad sa Article 228-232 ng Family Code.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments