top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

May “K” ang illegitimate child sa life insurance ng magulang bilang beneficiary

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 08, 2022



Dear Chief Acosta,


Ako ay anak sa labas ng aking ama na kamamatay lamang last week. Nabanggit niya sa akin bago siya pumanaw na ako ang beneficiary sa kanyang life insurance policy.


Nalaman ito ng kanyang legal na asawa at ako ay kanyang pinagsisigawan nang pagalit. Hindi diumano sila papayag na may makuha ako sa aking tatay. Maaari ba talaga nila itong gawin sa akin? - Boy



Dear Boy,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 53 ng The Insurance Code of the Philippines (Presidential Decree [P.D.] No. 612 as amended by Republic Act [R.A.] No. 10607), kung saan nakasaad na: “Section 53. The insurance proceeds shall be applied exclusively to the proper interest of the person in whose name or for whose benefit it is made unless otherwise specified in the policy.” Malinaw na nabanggit sa batas na ang maaari lamang mag-claim ng insurance proceeds ay ang insured o ang taong kumuha ng life insurance kung siya ay buhay pa o ang taong ginawa niyang beneficiary kung siya ay pumanaw na.


Paliwanag din ng ating Korte Suprema, sa kasong Maramag vs. Maramag (G.R. No. 181132, June 5, 2009, Ponente: Honorable Former Associate Justice Antonio Eduardo B. Nachura):


“Petitioners are third parties to the insurance contracts with Insular and Grepalife and, thus, are not entitled to the proceeds thereof. Accordingly, respondents Insular and Grepalife have no legal obligation to turn over the insurance proceeds to the petitioners. The revocation of Eva as a beneficiary in one policy and her disqualification as such in another are of no moment considering that the designation of the illegitimate children as beneficiaries in Loreto’s insurance policies remains valid. Because no legal proscription exists in naming as beneficiaries the children of illicit relationships by the insured xxx.”


(Binigyang-diin)


Sa inyong sitwasyon, maaari kayong mag-claim sa life insurance proceeds ng inyong namayapang ama dahil ayon sa ating batas, walang nagbabawal sa ama na gawing beneficiary ang kanyang illegitimate na anak tulad ninyo, sa kanyang insurance policy.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page