top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

May international series abroad… ANTHONY, MAAYOS ANG BUHAY AFTER NG HIWALAYAN NILA NI MARIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 19, 2026



BULGARY - SUE, PROUD NA PROUD NA NAKA-JACKPOT KAY DOMINIC-IG _dominicroque

Photo: IG _dominicroque



Mukhang maayos na ang takbo ng buhay ng aktor na si Anthony Jennings matapos ang naging kontrobersiya noong 2024 na panloloko niya sa kanyang non-showbiz GF, kung saan damay si Maris Racal. 


Sa panayam sa aktor sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi niyang naka-move on na siya sa mga nangyari at mas pinipili na lang niyang mag-focus sa trabaho at career opportunities.

Ayon kay Anthony, “Okey naman na ako. Naka-move on na rin naman ako sa nangyari na ‘yun... tuluy-tuloy lang.”


Ibinahagi rin niya na malaking tulong ang pagtutok niya sa trabaho, lalo na sa upcoming international series niyang Nurse The Dead (NTD), kung saan kasama niya sina Ruby Rodriguez at Princess Punzalan.


Matatandaang naging usap-usapan noon ang cheating allegations na kinasangkutan nila ni Maris Racal matapos maglabas ng mga screenshots ang dating girlfriend niyang si Jam Villanueva. 


Nauwi ito noon sa public apologies mula sa magkabilang panig.





NAGING emosyonal si Drew Arellano habang ibinabahagi ang espesyal na kuwento niya sa Hong Kong sa isang kamakailang episode ng Biyahe ni Drew (BND).


Ayon sa host, tuwing bumibisita siya sa Hong Kong ay bumabalik ang malalalim na alaala tungkol sa kanyang yumaong ama. 


Ibinunyag niyang sa Sai Kung ipinakalat ng kanilang pamilya ang abo ng kanyang ama kaya naging napakaespesyal ng lugar para sa kanya.


Ayon kay Drew, “‘Di rito namatay ang dad ko 13 years ago, pero dito namin dinala ang ashes n’ya at dito namin itinapon sa Sai Kung Bay.”


Dagdag pa niya, “Very nostalgic sa akin ang Hong Kong dahil noong buhay pa ang tatay ko,

abogado siya ng maraming OFWs. Kaya talagang naging second home niya ito.”


Nilinaw din ng TV host na hindi basta-basta maaaring magkalat ng abo sa dagat. Aniya, dumaan muna sila sa tamang proseso at kumuha ng kaukulang permits mula sa mga ahensiya ng gobyerno bago nila isinagawa ito.


Bukod sa pag-feature ng magagandang tanawin, seafood spots, hiking trails, at water activities sa Sai Kung, naging personal din itong pagpupugay ng episode sa alaala ng ama ni Drew. 


Marami ring netizens ang naka-relate sa kanyang kuwento tungkol sa pagkawala ng mahal sa buhay at sa espesyal na koneksiyon ng mga lugar sa mahahalagang alaala.





Kumpara nu’ng sila pa ni Daniel… 

KATHRYN, OBYUS DAW NA SUPER HAPPY KAY MAYOR MARK



KINUMUSTA ng isang fan ang love life ng aktres na si Kathryn Bernardo habang papunta ito sa venue ng isang event kung saan inaalalayan siya ng mga marshals. 

Ang nababalitang dyowa niya ngayon ay si Lucena City Mayor Mark Alcala.


Tanong ng netizen, “Kumusta ang love life mo?”


Sagot ng aktres, “Okey naman,” sabay-ngiti habang naglalakad.

Sey ng mga nakapanood ng video clip…

“‘Yung tawa n’ya sa huli.”


“Halatang masaya naman s’ya. Good for you, Kath.”

“She’s happy and in love.”


“She’s at her happiest. ‘Yung free s’ya kung paano umasta, manamit, at sumagot sa mga interviews.”


Napansin din ng ilang netizens na mas pala-ngiti at mas relaxed na ngayon si Kathryn Bernardo sa pakikitungo sa kanyang mga fans kumpara noon. Anila, kitang-kita raw sa aura ng aktres ang kasiyahan at pagiging komportable nito sa kanyang kasalukuyang estado sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page