May ibang ‘baby’ naman na raw… ICE, TANGGAP NANG ‘DI NA SILA MAGKAKAANAK NI LIZA
- BULGAR
- 21 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 3, 2025
Photo: Ice Seguerra - Bulgar
Magpo-forty-two years old na si Ice Seguerra sa Sept. 17, pero bago ang kanyang birthday, magpapasaya muna ang singer-performer-director and now songwriter na rin sa kanyang Being Ice: Live! concert sa Sept. 12 and 13, 8 PM sa Newport Performing Arts Theater.
Bitin si Ice sa isang gabi para mas maipakilala pa niya ang sarili at ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay kaya ginawang two nights ang concert, kung saan sa Sept. 12, si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang guest niya, habang sa Sept. 13 naman ay ang kanyang itinuturing na second father sa showbiz na si Bossing Vic Sotto.
Tinanong nga namin si Ice kung paano niya ise-celebrate ang kanyang birthday, pero aniya, hindi naman siya mahilig mag-party kaya baka sa Fire & Ice Studio lang nila ng misis na si Liza Diño-Seguerra i-celebrate ang kanyang birthday.
Wala ba silang balak na mag-honeymoon uli ni dating FDCP Chair Liza?
Ani Ice, aalis na naman pala sa Sept. ang kanyang misis para sa isang commitment abroad habang siya naman ay may stage play ding gagawin.
Gusto raw sana niya ay two weeks vacation sa Japan para ‘di bitin, pero ‘yun nga, busy sila ni Liza, so hintayin na lang natin kung mabibigyan nila ng oras ang another honeymoon nila.
Tinanong namin si Ice kung paano na ang ‘baby project’ nila, pero aniya, “Wala, ito na ‘yun (Fire & Ice Productions projects), magastos din naman, eh. Pareho lang ng gagastusan,” natawang sagot ng singer-performer.
Anyway, bago ang Being Ice: Live! concert sa Sept. 12 & 13, abangan din ang release ng bagong album ni Ice na Being Ice on August 8 kung saan kasama ang mga kantang Shelter of the Broken, ‘Wag Na Lang Pala at Nandiyan Ka.
Takot na takot matalsikan ng mantika…
IZA, NAPAPA-SIGN OF THE CROSS BAGO MAGLUTO
NAKAKATAWA si Iza Calzado sa ipinakitang video presentation habang nagluluto siya bilang pagpapakilala sa kanya as the newest endorser ng Metro Cookware Starter Set, na ginanap kahapon sa SM North EDSA.
Bilang endorser, ipinakita siyempre si Iza na nagluluto ng pancake at burger gamit ang Metro Cookware Starter Set.
Kaya aliw much kami sa kanya, eh, dahil pancake at burger lang ang iluluto niya, 2 beses pa siyang nag-sign of the cross bago sinimulan ang pagluluto. Hahaha!
Sa one-on-one interview, nalaman namin kay Iza na kaya naman pala may pa-sign of the cross pa siya ay dahil hindi raw talaga siya marunong magluto at aminado siya roon.
At nakadagdag pa sa takot niya ‘yung ibini-video recording siya para sa presentation.
Kung wala raw camera, siyempre ay okay lang kahit masunog. Hahaha!
Takot din daw siyang mag-chop ng mga lulutuin at matalsikan ng mantika.
Pero dahil kinuha nga siyang endorser ng Metro, sign na raw siguro ito para mag-aral siyang magluto.
Actually, nakakapagluto naman daw siya pero mga simpleng food lang. Favorite raw ng kanyang mag-amang Ben Wintle at Deia ang Bolognese.
Samantala, maraming nag-aabang sa pagbabalik-acting ni Iza sa teleserye dahil kilala siya bilang isa sa magagaling nating aktres sa ‘Pinas.
Naa-appreciate at thankful naman daw siya sa sinabi ng mga bosses ng ABS-CBN na magpasabi lang daw siya kapag ready na siya at bibigyan siya ng bagong serye.
Pero sa ngayon, “Family first” ang sabi ni Iza na priority niya dahil at her age na 43 this coming August 12, gusto pa nila ng mister na si Ben na masundan si Deia na 2 ½ years old na.
So, hayaan muna natin si Iza na i-enjoy ang kanyang family life, tutal ‘di naman siya totally nawala sa showbiz dahil tumatanggap pa rin siya ng mga endorsements tulad nga nitong Metro Cookware Starter Set at very active rin siya sa social media.
Anyway, isa si Iza Calzado sa mga celebrities natin na talagang very approachable at accommodating, kaya naman kahit ang daming shoppers kahapon sa SM Home na pumila para makapagpa-selfie kay Iza, pinagbigyan niya lahat with genuine smile.
ANG bongga ni Kaila Estrada, siya lang naman pala ang newest endorser ng Santé BarleyMax, kung saan makakasama niya ang impressive roster of ambassadors ng Santé na kinabibilangan nina Kim Atienza, Vic Sotto, at Vice Ganda.
Ang Star Magic artist na ito na kilala sa husay sa pagganap ang kukumpleto sa line-up ng #LiveForMore ambassadors ng Santé.
Sa pagdiriwang ng Santé sa ika-18 nitong anibersaryo, sinasalubong ng brand si Kaila upang ikalat ang mensahe ng kalusugan para sa batang henerasyon — pagpapatunay na wala sa edad ang pag-aalaga sa sarili.
Kilala si Kaila para sa topnotch performances niya sa mga top-trending na serye gaya ng Viral Scandal, Linlang at Can’t Buy Me Love, at talaga namang umagaw din siya ng pansin sa Incognito, kaya naman talagang nagkaroon siya ng sarili niyang spot sa industriya.
Sa mga interviews at features, makikita ang dedikasyon ni Kaila at pati na rin ang kanyang sipag sa kanyang mga ginagawa para sa balanseng pamumuhay.
Kaya naman bahagi na siya ng pamilya ng Santé sa pagpo-promote ng malusog na lifestyle.
At ngayong si Kaila na ang mukha ng brand, umaasa ang Santé na makakonekta sa mas batang merkado upang maikalat ang kahalagahan ng kalusugan sa gitna ng kanilang busy schedules at upang patunayan na mainam na maaga silang mag-invest sa well-being.
"I'm incredibly honored to join the Santé family alongside such respected personalities gaya nina Kuya Kim Atienza, Bossing Vic Sotto, at Meme Vice Ganda," sabi ng kalulunsad lamang na brand ambassador.
Dagdag pa ni Kaila, “It's amazing to be part of a brand that’s committed to helping people live healthier lives, no matter their age. Para sa akin, this is about owning my life, my body, and my goals. Maingat din ako with what I endorse, because I believe in taking care not only of my name but also in my responsibility to those who support me. Kaya naman honored ako to say yes to Santé."
Kinakatawan ni Kaila ang modern, empowered woman — independent, driven, at conscious sa kanyang well-being.
Nauunawaan niya ang kahalagahan ng kanyang kalusugan at kinabukasan kaya naman perfect fit siya para sa brand.
Comentarios