top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 3, 2025



Photo: Ice Seguerra - Bulgar



Magpo-forty-two years old na si Ice Seguerra sa Sept. 17, pero bago ang kanyang birthday, magpapasaya muna ang singer-performer-director and now songwriter na rin sa kanyang Being Ice: Live! concert sa Sept. 12 and 13, 8 PM sa Newport Performing Arts Theater.


Bitin si Ice sa isang gabi para mas maipakilala pa niya ang sarili at ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay kaya ginawang two nights ang concert, kung saan sa Sept. 12, si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang guest niya, habang sa Sept. 13 naman ay ang kanyang itinuturing na second father sa showbiz na si Bossing Vic Sotto.


Tinanong nga namin si Ice kung paano niya ise-celebrate ang kanyang birthday, pero aniya, hindi naman siya mahilig mag-party kaya baka sa Fire & Ice Studio lang nila ng misis na si Liza Diño-Seguerra i-celebrate ang kanyang birthday.

Wala ba silang balak na mag-honeymoon uli ni dating FDCP Chair Liza?


Ani Ice, aalis na naman pala sa Sept. ang kanyang misis para sa isang commitment abroad habang siya naman ay may stage play ding gagawin.

Gusto raw sana niya ay two weeks vacation sa Japan para ‘di bitin, pero ‘yun nga, busy sila ni Liza, so hintayin na lang natin kung mabibigyan nila ng oras ang another honeymoon nila.


Tinanong namin si Ice kung paano na ang ‘baby project’ nila, pero aniya, “Wala, ito na ‘yun (Fire & Ice Productions projects), magastos din naman, eh. Pareho lang ng gagastusan,” natawang sagot ng singer-performer.


Anyway, bago ang Being Ice: Live! concert sa Sept. 12 & 13, abangan din ang release ng bagong album ni Ice na Being Ice on August 8 kung saan kasama ang mga kantang Shelter of the Broken, ‘Wag Na Lang Pala at Nandiyan Ka.




Takot na takot matalsikan ng mantika…  

IZA, NAPAPA-SIGN OF THE CROSS BAGO MAGLUTO





NAKAKATAWA si Iza Calzado sa ipinakitang video presentation habang nagluluto siya bilang pagpapakilala sa kanya as the newest endorser ng Metro Cookware Starter Set, na ginanap kahapon sa SM North EDSA.


Bilang endorser, ipinakita siyempre si Iza na nagluluto ng pancake at burger gamit ang Metro Cookware Starter Set.


Kaya aliw much kami sa kanya, eh, dahil pancake at burger lang ang iluluto niya, 2 beses pa siyang nag-sign of the cross bago sinimulan ang pagluluto. Hahaha!


Sa one-on-one interview, nalaman namin kay Iza na kaya naman pala may pa-sign of the cross pa siya ay dahil hindi raw talaga siya marunong magluto at aminado siya roon.

At nakadagdag pa sa takot niya ‘yung ibini-video recording siya para sa presentation.


Kung wala raw camera, siyempre ay okay lang kahit masunog. Hahaha!

Takot din daw siyang mag-chop ng mga lulutuin at matalsikan ng mantika.

Pero dahil kinuha nga siyang endorser ng Metro, sign na raw siguro ito para mag-aral siyang magluto.


Actually, nakakapagluto naman daw siya pero mga simpleng food lang. Favorite raw ng kanyang mag-amang Ben Wintle at Deia ang Bolognese.


Samantala, maraming nag-aabang sa pagbabalik-acting ni Iza sa teleserye dahil kilala siya bilang isa sa magagaling nating aktres sa ‘Pinas.


Naa-appreciate at thankful naman daw siya sa sinabi ng mga bosses ng ABS-CBN na magpasabi lang daw siya kapag ready na siya at bibigyan siya ng bagong serye.


Pero sa ngayon, “Family first” ang sabi ni Iza na priority niya dahil at her age na 43 this coming August 12, gusto pa nila ng mister na si Ben na masundan si Deia na 2 ½ years old na.


So, hayaan muna natin si Iza na i-enjoy ang kanyang family life, tutal ‘di naman siya totally nawala sa showbiz dahil tumatanggap pa rin siya ng mga endorsements tulad nga nitong Metro Cookware Starter Set at very active rin siya sa social media.


Anyway, isa si Iza Calzado sa mga celebrities natin na talagang very approachable at accommodating, kaya naman kahit ang daming shoppers kahapon sa SM Home na pumila para makapagpa-selfie kay Iza, pinagbigyan niya lahat with genuine smile.



KAILA, KA-LEVEL NA NINA VIC AT VICE BILANG ENDORSER





ANG bongga ni Kaila Estrada, siya lang naman pala ang newest endorser ng Santé BarleyMax, kung saan makakasama niya ang impressive roster of ambassadors ng Santé na kinabibilangan nina Kim Atienza, Vic Sotto, at Vice Ganda. 


Ang Star Magic artist na ito na kilala sa husay sa pagganap ang kukumpleto sa line-up ng #LiveForMore ambassadors ng Santé.


Sa pagdiriwang ng Santé sa ika-18 nitong anibersaryo, sinasalubong ng brand si Kaila upang ikalat ang mensahe ng kalusugan para sa batang henerasyon — pagpapatunay na wala sa edad ang pag-aalaga sa sarili. 


Kilala si Kaila para sa topnotch performances niya sa mga top-trending na serye gaya ng Viral Scandal, Linlang at Can’t Buy Me Love, at talaga namang umagaw din siya ng pansin sa Incognito, kaya naman talagang nagkaroon siya ng sarili niyang spot sa industriya. 


Sa mga interviews at features, makikita ang dedikasyon ni Kaila at pati na rin ang kanyang sipag sa kanyang mga ginagawa para sa balanseng pamumuhay.

Kaya naman bahagi na siya ng pamilya ng Santé sa pagpo-promote ng malusog na lifestyle. 


At ngayong si Kaila na ang mukha ng brand, umaasa ang Santé na makakonekta sa mas batang merkado upang maikalat ang kahalagahan ng kalusugan sa gitna ng kanilang busy schedules at upang patunayan na mainam na maaga silang mag-invest sa well-being. 


"I'm incredibly honored to join the Santé family alongside such respected personalities gaya nina Kuya Kim Atienza, Bossing Vic Sotto, at Meme Vice Ganda," sabi ng kalulunsad lamang na brand ambassador. 


Dagdag pa ni Kaila, “It's amazing to be part of a brand that’s committed to helping people live healthier lives, no matter their age. Para sa akin, this is about owning my life, my body, and my goals. Maingat din ako with what I endorse, because I believe in taking care not only of my name but also in my responsibility to those who support me. Kaya naman honored ako to say yes to Santé." 


Kinakatawan ni Kaila ang modern, empowered woman — independent, driven, at conscious sa kanyang well-being.  


Nauunawaan niya ang kahalagahan ng kanyang kalusugan at kinabukasan kaya naman perfect fit siya para sa brand.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 7, 2025



  • Vice Ganda - IG

Photo: Vice Ganda - IG


Ang bongga-bongga ng Santé Barley dahil pagkatapos makuhang endorser sina Kuya Kim Atienza at Bossing Vic Sotto, si Vice Ganda naman ang bagong ini-launch na ambassador ng produkto last Feb. 2 sa well-attended big event sa World Trade Center.


No questions asked naman kung bakit si Vice Ganda ang kinuhang endorser ng Santé Barley, dahil bukod sa pagiging sikat na sikat pa rin nito (proof na No. 1 pa rin sa takilya ang last MMFF entry niyang And The Breadwinner Is…), advocacy na rin ni Vice na alagaan ang kalusugan lalo na’t aminado siyang marami na ring nararamdaman sa kanyang katawan habang nagkakaedad.


At dahil “#LiveForMore” nga ang tagline ng Santé Barley, ani Vice, gusto niyang mabuhay pa nang mahabang-mahaba para sa kanyang pamilya, kaya ganu’n na lang siya ka-health conscious ngayon at daily nga umiinom ng barley, na ipinaiinom na rin daw niya sa kanyang ina.


Ang “hugot” lang ni Vice na inamin niya sa kanyang vlog recently, malaking hamon sa kanya ang pagbibigay ng quality time sa kanyang pamilya, dahil feeling niya, dahil sa sunud-sunod pa rin niyang proyekto at trabaho, hindi niya alam kung kelan talaga siya titigil para mabigyan ng sapat na oras ang kanyang mga mahal sa buhay.


“Bukod sa napaka-stressful ng showbiz industry, bukod sa nakakapagod ‘yung trabaho namin physically, mentally, and emotionally, isa sa pinakamalaking hamon na hinaharap ko sa pagiging Vice Ganda, eh, ‘yung knowing when to stop for a while. ‘Yun ang isa sa mga pinakamahirap na hamon na hinaharap ko magmula nu’ng nag-Showtime ako, magmula nu’ng naging si Vice Ganda ako sa showbiz. Hindi ko malaman kung kailan ako hihinto, panandalian.


"Hindi ko alam kung kailan ako mas makakapagbigay ng mahabang oras sa mga tao at sa mga bagay na may halaga sa buhay ko," dagdag pa niya.


At dahil aminado naman si Vice na siya ang may pinakamalaking ‘ambag’ sa kanilang pamilya — although stable na rin ang kanyang mga kapatid financial wise — hinikayat niya ang mga kapwa niya breadwinner na resellers ng Santé Barley sa ginanap na launching niya na maging priority ang kalusugan at alagaan ang sarili para makatulong din sa iba pang mahal sa buhay.


Sa tulong ni Vice, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga tao na gamitin ang kanilang full potential at mabuhay nang mas masaya.



HAPPY and proud namang nag-renew ng kanyang kontrata bilang ambassadress ng CC6 and FunBingo ang napakagandang alaga ni Tita Aster Amoyo na si Rhen Escaño last Friday, Jan. 31. 


One year nang ambassadress ng CC6 Online Casino (with 700,000 daily active users and has been recognized as the “Most Trusted Online Casino” and “Top Responsible Gaming Platform”) at ng FunBingo (with 40,000 daily users and was honored with the “Outstanding Community Service Award” for its strong advocacy in helping communities) si Rhen.


  • Rhen Escaño
  • Rhen Escaño
  • Rhen Escaño

Photos: Bulgar via Mars Santos



Pero nagpakatotoo ang mala-Barbie rin sa ganda at seksing dalaga na kahit endorser siya ng online casino, never pa raw niyang na-try na maglaro o tumaya rito. 


At nagpapasalamat daw si Rhen na hindi naman siya inoobliga ng CC6 na maglaro o magsugal at manghikayat ng mga players online dahil sapat na raw sa kumpanya na ang maging partisipasyon ng dalaga ay sa charity projects ng FunBingo.


Bilib nga raw siya sa mga bossing ng CC6 at FunBingo dahil hindi ang pagdami ng online players nila ang habol nila kundi mas mahalaga para sa kanila ‘yung dami ng matutulungan nila at mababago ang buhay mula sa mga pumapasok na kita sa dalawang leading online platforms.


Kaya naman, “gaming with a heart” kung i-describe ni Rhen ang CC6 at FunBingo na ang misyon ay makatulong sa mga nangangailangan.


Ayon naman kay Ms. Dhevy Sahagun, B’Vibes Entertainment Production and JAF Digital Group executive, walang pressure sa kanila na mag-add pa ng another ambassador ng CC6 Online Casino at FunBingo dahil si Rhen lang ay sapat na bilang napakasipag nga raw nito sa mga charity projects na kanilang ginagawa.


After ng contract signing, nakausap namin sandali si Rhen Escaño at sinabi namin sa kanya na ang ganda-ganda niya at puwede siyang itapat kay Ivana Alawi.


Nabanggit naman niya na nu’ng nagsisimula pa lang siya, hindi siya ganu’n ka-confident sa kanyang ganda at gusto nga raw sana niyang iparetoke ang kanyang ilong at magpa-enhance ng boobs, pero pinigilan daw siya ng Viva Entertainment.


Kung iniintriga man daw siya ng iba na retokada, ang inamin lang niyang ipinaayos niya ay ang kanyang mga ngipin dahil ngayon ay naka-veneers na siya.


Nababaitan kami kay Rhen at marespeto itong sumagot sa press kaya wish namin ay mas dumami pa ang kanyang projects lalo’t may potential din siya acting wise.




LUMIPAD pa-Hong Kong ang public service at talk program na CIA with BA upang tuparin ang kahilingan ng ating mga kababayang OFWs na mabisita sila nina Senador Alan at Pia Cayetano, at ni Tito Boy Abunda.


Sa first part ng special HK episode ng show na ipinalabas last Sunday (Feb. 2), nag-share ang mga Pinoy doon ng kanilang stories sa hangaring magkaroon ng mas magandang buhay. Isa sa mga tampok na kuwento ay mula sa mga babaeng propesyonal sa Pilipinas na nagtatrabaho ngayon bilang domestic helpers sa Hong Kong. Sa kabila ng kanilang trabaho, hindi nila tinalikuran ang kanilang mga propesyon. Tuwing day-off nila, nagbibigay sila ng libreng serbisyo bilang mga nurse, guro, at cancer support volunteers.


Natuwa si Sen. Pia at pinapurihan sila. Patuloy daw sana silang magsilbing inspirasyon sa iba.


Nagbigay naman ng legal advice si Sen. Alan sa isang OFW na na-diagnose ng breast cancer para sa mga karapatan nito lalo na sa aspetong health benefits.

Ibinahagi naman ni Tito Boy kung gaano kaespesyal para sa kanya ang Hong Kong at ang Filipino community dito.


“Sa akin po, ang Hong Kong ay napakaespesyal dahil nu’ng buhay pa po ang aking ina, at tuwing kami’y dumadalaw dito, ang nanay ko, sobrang tuwang-tuwa dahil nakikita niya at nakakasalamuha ang kanyang mga pamangkin, ang aking mga pinsan, na hanggang ngayon po ay domestic helpers dito. Kaya hindi po iba sa akin ang mga OFWs dito sa Hong Kong,” aniya.


Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 PM sa GMA-7, at may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 PM.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page